Forty Nine** Nitro vs. Spike

1.8K 42 0
                                    


AN:: hi guys, sorry kung ngayon lang ulit ako nakapag update. Busy kasi ako sa school at dahil bakasyon im freeeee. Haha. Expect my UD every other day. So my next UD will be on Wednesday.. Advance Merry Christmas..

Forty Nine** Nitro vs. Spike

(Tracey POV)

Hindi ko alam kung paano ko nalagpasan ang araw na ito na walang nakakahalata na nagpapanggap lang ako. What I mean is hindi ko sila kilala. Hindi ko alam kung ano bang klaseng pinagsamahan ang meron kami.

Si Charlie daw ang bestfriend ko sa dorm so I approach him like the way I approach Maki pero nagtaka siya dahil kakaiba daw ang kilos ko towards him. Hindi daw ako mabait sa kanya, infact lagi ko daw siyang sinusungitan. Nagulat din siya nung tinawag ko siyang bestfriend. Like what? I thought siya ang bestfriend ko, bakit siya magugulat kung tatawagin ko siyang ganun?

Then si Ralvy. He told me a while ago na we should team up in doing pranks in the dorm pagkarelease ko dito sa hospital. Naging moody tuloy ako. Only Ayen will be and always be my partner in crime. Pero ayun kay Frai, Ralvy is my second best friend in the dorm so I need to agree on him even though I don't like the idea.

Nadalian lang ako kay Troy dahil antukin naman ang tao na yun. He only asked me if he can sleep in my hospital bed since kanina pa daw nananakit ang likod niya dun sa may sahig na nasa ilalim ng mga upuan ng waiting area. I guess meron siyang sleeping disorder. If I'm not mistaken its Narcolepsy. Yung tipong anytime anywhere makakatulog siya. He's lucky dahil laging nakaalalay sa kanya si Ralvy pero he's also unlucky on the second thought. Ginagawan kasi siya ng prank ni Ralvy while he's sleeping. Poor Troy. Naawa ako kaya pinahiga ko siya sa kama ko na siya namang ikinalaki g mata nung dalawa. Never as in never ko daw hinayaan na matulog si Troy sa kama ko. Lagi ko daw siyang sinsipa to the point na bukol bukol na ang inaabot niya. Aba malay ko ba? Edi sinipa ko siya. Gusto pala nila yung sakitan eh.

When they asked me kung bakit daw parang may nagbago sakin, I just shrug my shoulders to them. Minsan sa buhay ng tao kailangan mo ding maging mabait sa kapwa mo. Umalis din sila nung sinabi ni Frai na kailngan ko ng magpahinga. They told me na babalik na lang sila bukas. Well I wish na wag na muna silang bumalik. The more time with them the more chance na mabubuking ako. Bakit ba kasi hindi ko sila matandaaan? Wala talaga akong naaalala na kakilala ko sila. Kailangan ko na lang makiride. Sabi ni Frai two weeks lang at aalis na kami. Makakaalis na din ako sa set up na to.

"Are you okay?" Tanong sakin ni Frai habang pinagbabalat ako ng fruits.

"Do I look like I'm okay? Ang hirap umacting while they are around. They look like detectives that will caught me anytime soon. Please don't let them in tomorrow. Baka mabaliw lang ako." Sabi ko kaya natawa siya. Tss. May gana pa siyang tumawa habang ako di ko na alam kung anong gagawin ko. Kung pwede lang mag teleport sa ibang lugar malamang kanina ko pa ginawa.

"Nakaligtas ka sa tatlo. But be more careful around Janus. Mautak yung tao na yun at baka mabuking ka niya the moment he enter this room. Alam kong anytime soon ay bibisita siya dito kaya be prepare."

"Tinatakot mo ba ako my dearest twin? Alam mo namang magaling akong umacting. Whoever that Janus is alam kong kaya ko siyang paikutin."

"Let's see." Makahulugang sabi niya bago ibigay sakin yung fruits. Bigla tuloy akong kinabahan para bang may hindi tama. Bakit kapag naririnig ko ang pangalan na Janus ay para bang bumibilis ang tibok ng puso ko, Pero di ko naman alam ang mukha niya. Hindi ko siya kilala kaya naman lalo akong kinakabahan. Oh Loard help me with this one.

ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twinWhere stories live. Discover now