Fifty eight** memories

1.5K 35 4
                                    


Fifty eight** memories

AN:: Sabi ko puro narration na yung succeeding chapters pero feeling ko mas mafefeel ito ng readers kung POV ni Tracey ang gagamitin ko for this chapter kaya ayan.. Enjoy.

(Tracey POV)

May mga times talaga sa buhay ng tao na hindi natin maintindihan kung bakit bigla na lang tayong nagagalit sa isang tao sa hindi maipaliwanag na dahilan. Tulad ngayon. Kanina pa ako naaasar sa rumored girlfriend ni Janus dahil tinalo pa niya ang linta sa tindi ng kapit niya kay Janus. Hindi na nga nakapagluto si Janus ng almusal namin dahil umagang umaga ay nandito na ang nagmamagandang babaeng masarap iumpog sa pader. Siguro naiinis ako dahil hindi ako nakakain ng almusal. O kaya naman naiinis ako dahil ang aga aga hipon ang bumubungad sakin. Alam niyo yung ganda katawan tapon mukha. Siguro retokada lang itong babaeng linta na nagmamaganda na ito. Pangit na nga ng mukha pangit pa ang ugali. Nice, jackpot si Janus nakahanap siya ng babaeng papatay sa kanya ng maaga.

Nandito din sila Lorraine, Travis, Kim at Nami. Hinihintay lang namin ang announcement kung kaninong stall ang nanalo. Kapag kami talaga natalo dito papasabugin ko yung admin building pati na din ang mukha ng mga officers in charge. In short babangasan ko si Dave dahil President pa naman siya tapos matatalo din pala kami. Alam kong masama ang mandaya kaya never naming gagawin yun pero sh*t. Trip to Palawan exclusive for 2 weeks ang prize. Kailangan naming manalo dahil gustong gusto ko talagang pumunta sa Palawan. Afford ko naman ang pumunta dun at vacation package pero hindi ba't masarap gumala at magexplore kung lahat ng expenses mo ay libre. Turo sakin yan ni Uncle Sky, yung tatay ni Kypphiere Unnie. Dapat daw kahit may pera ka wag kang gastos ng gastos kasi mas masarap daw kapag libre yung mga ginagamit mo. Kaya yun na ang natanim sa isip ko. Mas masarap ang buhay kapag laging libre.

"Ayan na i-aannouce na nila ang winner." Excited na sabi ni Charlie na sinumpong na naman ang pagiging hyper na minsan over na. sa loob ng ilang araw na pamamalagi ko dito napag alaman ko na din ang mga ugali nila.

Si Dave na walang sense of fashion. Yung mga damit niya ay hindi ko mawari kung bakit ganun ang mga suot niya. Si Ralvy na mahilig mamprank ng mga kagrupo. Minsan nga pati mga studyante na nadaan lang ginag*go din niya. Si Troy na laging tulog. Magtataka ka na lang kapag gising siya. May lahi yatang bampira yung isang yan. Si Charlie na may pagkahyper pero minsan OA na. hindi na nga ako nagugulat kapag tumatakbo siya paikot ng sala sabay sigaw ng SUNOG!!!!. At si Janus, may pagkabossy siya pero maalaga siya samin at masarap siyang magluto. Minsan nga akala ko luto ni Appa ang kinakain ko dahil sa luto niya.

"sshh Tahimik muna guys. Mamaya na sumigaw kung panalo." Sabi ni Dave kaya naman nanahimik kami.

"Good day my beloved Students, I hope you all enjoyed our past event. And now for the moment of truth, the winner on the boy's department annual festival is none other than....... TOXIC. To all members of Toxic please proceed to the Admin office to claim your price. Thank you."

Lahat kami natahimik dahil sa revelation na naganap. Natalo kami ng Toxic. Dinaya kami ng mga yun. Tama bang magbenta sila ng appliances na may choco syrup. Hindi naman makakain yun eh. Kung alam ko lang na Appliances pala ang trip ng mga babae dito edi sana nagtayo kami ng appliance store na lang.

Hindi pwede to, bakit natalo kami? Madami naman kaming kita ah. Kami dapat ang pumunta sa Palawan. Wala akong paki kahit na nandun sa group na yun ang mga kaibigan ko at si Ayen. Ang mahalaga ngayon ay ang vacation package na pinapangarap ko.

"Saan ka pupunta Trace?" tanong sakin ni Dave pero tiningnan ko lang siya ng masama. Isa pa ito eh. President na naturingan di man lang niya nagawan ng paraan para manalo kami.

ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twinWhere stories live. Discover now