eleven** a day with Janus

3.4K 81 1
                                    

(Tracey POV)

Nagising ako mula sa pagkakatulog ko sa loob ng room dahil sa paulit ulit na tusok ni Janus sa pisngi ko. Sa totoo lang kanina ko pa gustong baliin ang daliri niya dahil kanina pa niya pinag didiskitahan ang walang kamuwang muwang kong pisngi.

"Ano ba! Kanina ka pa tusok ng tusok ah. Eh kung ikaw kaya tusukin ko. Pisti." Sigaw ko sa kanya kaya naman lahat na yata ng blockmates namin napatingin samin. Oh great. Nakalimutan ko nga palang sabihin sa inyo na pare pareho kami ng course. Business Administration major in Financial Management. Kung alam ko lang na yun ang course nilang lima siguro hindi na yun ang course na ini enroll ko dito.

"Hey chill. Kanina pa kasi umiilaw ang phone mo. Kanina pa yata may tumatawag sayo." Sabi niya sakin with a blank face. Yung totoo kailangan ko bang banatin ang mukha ng lalaki na ito para naman magka expression ang mukha niya.

"You two out!" Sigaw ng professor kaya naman napatingin ako sa kanya. Oh nandyan pala siya! Lakas ng loob sumigaw wala namang mabuting natuturo.

"Out your face." Sigaw ko sa kanya. Kaya naman halos manlaki na ang butas ng ilong niya sa galit. Who cares!

"How dare you to speak to me like that. I'm going to suspend you for a week. You need to learn some good moral. Go to Guidance now." Sabi niya sakin habang umuusok ang tenga.

"Do whatever you want to do. You don't know who I am and what I'm capabale of." Walang gana kong sabi sa kanya. Kinuha ko ang Iphone6+ ko sa mesa at sinagot ang tumatawag ng hindi man lang tinitingnan kung sino man ang tumatawag.

"Yebosayo." Walang gana kong bungad sa kung sino man ang tumatawag.

"FEIRI!!" Nilayo ko sa tenga ko ang phone ko dahil sa ubod ng lakas na tili ng tumawag. At base sa boses kilalang kilala ko na kung sino man ang tumawag.

"Umma you don't need to shout my name. It's not cool." Sabi ko sa kanya. Narinig ko pa ang paghagikgik ng magaling kong ina sa phone. Sa totoo lang hindi ko talaga malaman ang ugali ng ina ko dahil pabago bago. Yeah daig pa niya ang abnormal sa ugali niya.

"Aigoo. I don't care whether it is or not. I just missed you so much. And also i wanna tell you that your Aunt Iki need you here asap. So better go to hideout cause your Uncle Sky is already there. Annyeong!" At ayun na nga binabaan ako ng napakabuti kong ina ng telepono.

Seriously Umma ko ba talaga siya o baka naman inabduct ng alien yung Umma ko at pinalitan ng abnormal na taong kamukha niya. Ibang iba na kasi ang ugali ng nanay ko compare dun sa Winter na kinukwento nila noon. Siya daw yung tipo ng tao na masyadong strikto at bossy. Maniniwala pa ako sa bossy dahil na din mahilig siyang mang utos sa mga tao pero strikto? Sa lagay na yun, san banda.

Tumayo na ako sa upuan ko at lumabas na ng room. Nandoon pa din naman ang galit na galit na prof ko. Don't worry bukas mapapalitan kana.

"Hey wait san ka pupunta?" Tanong sakin ni Janus na lumabas din pala. Bakit ba sunod sunod itong isa na ito.

"Going out. Pinapatawag ako ng magaling kong Ina at ng bestfriend niyang loka loka." Sabi ko sa kanya sabay lakad na ulit pero pinigilan na naman niya ako.

"Samahan na kita." - Janus.

"No need, malayo ang pupuntahan ko." -sabi ko pero sumunod pa din siya. Maloloka na ako sa lalaking ito. Ano bang pinaglalaban nila. Nakakafrustrate ah.

"I told you already na wag ka ng sumama bakit ba sumusunod ka pa din sakin." Iritang sabi ko pero siya pacool effect lang. Aba Tae nito. Madapa ka sana Pisti.

"Sasamahan na nga kita. Just to make sure na you are safe. Lalo na at madaming naghahaunt sayo dito sa school." Sabi niya habang nakapamulsa pa. Hindi ko alam pero hindi ko maalis ang mata ko sa kanya. He looks hot. So freaking hot that I can't take my eyes away from him. Is he making some sorcery to me kaya ko nararamdaman ito.

ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twinWhere stories live. Discover now