Epilogue last part**

1.9K 51 14
                                    


 Epilogue last part**

(Author POV)

1 month later..

Halos malaglag na sa upuan nila si Ralvy at Chalrie pagkakita kay Travis na kakalabas lang sa kwarto nito. May dala kasi itong maleta at bihis na bihis ito. Akala mo ay nakakita sila ng isang malaking sakuna dahil sa dalang maleta ni Travis.

"Janus!! Dave!! Troy!!" agad na sigaw ni Charlie na agad umalingawngaw sa boong dorm. Mabilis naman na natipon ang shadow sa sala at lahat sila ay nakakunot ang mukha pagkakita kay Travis na walang pakialam na nakatingin sa kanila.

"Naglalayas na si Travis. Hindi ito maaari pigilan niyo siya. Itali niyo kung ayaw paawat." Dagdag pa ni Charlie kaya naman lalong kumunot ang noo ni Travis. Nase-sense na niya ang pagka OA ni Charlie samahan mo pa ng isang mapanglokong ngisi ni Ralvy habang may hawak itong lubid. Napabuntong hininga na lang si Travis at agad na humarap sa tatlo ngunit maging siya ay nagulat dahil maging ang mga ito ay may hawak ding lubid.

"Pasensiyahan na tayo brad pero kailangan mong manatili dito dahil kung aalis ka tiyak na mamamatay kami sa gutom. Lalo na ngayon na wala sa mood sa kusina si Janus. Baka kapag bumalik ka buto't balat na lang kami." Sabi ni Troy kaya naman napatango din si Dave.

"Seriously? Pati ikaw Dave?" di mapigilang tanong ni Travis pero tango lang ang sinagot sa kanya ni Dave. Pero bago pa siya malapitan ng tatlo ay biglang bumukas ang pintuan ng sala kaya naman napatahimik silang lahat.

"May naistorbo ba ako? Dapat ba bago ako pumasok ay may hawak din akong lubid?" naguguluhang tanong ni Nami. Nasa likod niya si Maki, Mir at Shenji.

"Wala naman we are just discussing something." Nakangiti pang sabi ni Dave sabay hagis ng lubig na hawak niya. Palihim din na hinagis ni Janus ang lubid na hawak niya kaya tanging si Troy at Ralvy na lang ang may hawak ng lubid. Pilit na hinihila ni Dave ang lubid na hawak ni Troy dahil nakakahiya sa mga bisitang dumating pero masama pa din ang tingin ni Troy kay Travis habang may hawak na lubid.

"Okay enough of this. Let's sit. We have to discuss something." Singit ni Shenji pero tanging masamang tingin lang ang isinukli sa kanya ng Shadow.

"Wait, may lihim ba kayong galit sakin? Hindi ko naman siguro ikamamatay ang pag upo sa sala niyo right?" joke pa nito pero si Maki at Mir lang ang natawa. Umismid sa kanya si Janus pero umupo na din ito. Nagsisunuran na din ang Shadow kaya naman tuluyan ng pumasok ang mga bisita at naupo na din.

"Anong kailangan niyo?" malamig na sabi ni Janus na para bang lahat na lang ng kabitteran sa mundo ay sinalo na niya.

"We are here to invite you on our wedding day." sabi ni Shenji kaya naman naikuyom ng lima ang kanilang mga kamao. Tila ba nangangati na sila na masuntok si Shenji.

"We are not interested. You may leave." Sabi ni Dave sabay tayo sa kaniyang kinauupuan pero agad siyang pinigilan ni Maki.

"Just listen please, We have a plan." Seryosong sabi ni Maki pero hindi siya pinansin ni Dave at agad itong pumasok sa kanyang kwarto. Ganun din ang ginawa ni Janus, Charlie, Ralvy at Troy kaya naman si Travis na lang ang naiwan sa sala kasama ang kanilang mga bisita.

"Ang titigas talaga ng mga ulo nila." Inis na sabi ni Nami kaya naman napahalakhak na lang ang mga kasama niya.

"Well I guess, Kailangan nating gawin ang plan 2. Since talking to them is just a waste of time." Nakakalokong sabi ni Mir bago tuluyang lumabas sa dorm ng Shadow. Sumunod na din naman sa kanya sila Nami, Maki at Shenji. Napailing na lang si Travis papano nila masisimulan ang plano kung umpisa pa lang ay puro walk out na ang mga kasama niya. Nagtungo na lang siya sa kusina upang maisakatuparan ang plan 2.

ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twinWhere stories live. Discover now