Fifty four** Just crazy part 2

1.7K 38 1
                                    


Fifty four** Just crazy part 2

(Tracey POV)

Kung nakamamatay lang ang tingin ay malamang kanina pa nakabulagta si Janus dito sa jeep. Tatawa tawa pa kasi ang loko, nakikita na niyang naiirita ako. Kahit anong pilit kong alalahanin ay hindi ko talaga maalala na nakasakay na ko ng ganitong vehicle before. Hindi kaya niloloko lang ako ni Janus kanina para mapasakay niya ako? Arrghhh ang hirap ng ganito. Mukha akong timang dahil wala akong maalala sa mga panahon na nakasama ko sila. Hindi ko nga maalala na naging close ko sila eh. Ayaw ko sanang maniwala sa mga nalalaman ko kaya lang my heart is telling me that I should believe them. Hindi ko na tuloy kilala kung sino pa ang pagkakatiwalaan ko.

Lalo akong nairita dahil kay manong driver, oo na hanapbuhay niya ito pero dapt naman hindi siya nagsusungit. Dapat nakasmile siya para good vibes. Paano sasakay ang mga tao sa kanya kung nakabusangot siya? Kaloka ha!

Isama mo pa yung traffic na dinaig pa ang edsa. Ilang minutes after naming sumakay ay hindi na umusad yung mga sasakyan. Mas mauuna pa nga yata samin ang isang pagong papuntang supermarket kesa kaming may sasakyan nga pero nganga.

"Going out of the College is not a good idea. Dapat nagpadeliver na lang tayo." Nakasimangot kong sabi kay Janus. Nahawa na ako ni manong driver sa pagbusangot niya. Buti na lang at maganda pa din ako.

"Hindi ko naman alam na matatraffic tayo. Usually kasi 10 minutes lang ang byahe paputang bayan." Kalmadong sabi ni Janus na para bang enjoy pa siya sa traffic na ito.

Lalo akong naloka noong may isang batalyon na mga studyane na bigla na lang sumakay dito sa jeep. Yung 8 per person na side naging 11 dahil siksikan sila. Pati tuloy kami ni Janus ay nasiksik. Akala ko ba binayaran ko na ang buong ride na ito para di kami masiksik tapos bakit ganito?

"Manong akala ko ba nagkakaintindihan na tayo." Inis na sabi ko kay manong kaya naman napakamot siya sa panot niyang buhok. Mukhang di din niya expected na dudumugin itong jeep niya.

"Sorry Iho pero hindi ko sila pwedeng pababain dahil baka ireport nila ako sa ltfrb at sabihin na hindi ko sila pinapasakay. Ibabalik ko na lang ang sukli mo." Wala na akong ibang ginawa kundi ang kumapit kay Janus na kasalukuyang nasa tabi ko. Buti nalang pala at pinili ko na sa likod ni manong driver umupo kundi makakatabi ko yung mga babaeng haliparot na halatang sumakay dito dahil samin ni Janus. Kurutin ko singit ng mga ito eh. Nagpapacute eh mukha namang mga paa na clown. Mas maganda pa nga yata ang paa ko sa kanila.

"Sa inyo na yan manong. Hindi ko ugaling bawiin ang naibigay ko na." sabi ko sa kanya kaya naman nagpasalamat siya. Aba dapat lang noh. First time kong sumakay ng ganito kasikip na sasakyan. Imagine isang Tracey Feiri Jansen Madrigal sumakay sa sasakyan niya that should be a honor on his part.

Tiningnan ko ng masama si Janus dahil sa kapalpakan niya. Nagpeace sign lang ang loko at lalo pang dumikit sakin. Halatang halata ang struggles niya sa mga babae na nakapalibot sa kanya.

"Janus Oppa saan kayo pupunta ni Tarce Oppa?" tanong nung isang paa, I mean taong mukhng paa. Hindi naman sila nakauniform na pang college pero may nakita akong logo sa damit nila na Destiny, so I assume na galling sila sa Destiny University. Sa branch ng Destiny kung saan CoEd at saan nagtapos sila Umma at Appa. Napansin naman nung babae na tinitingnan ko siya I mean tinitingnan ko ang uniform niya kaya naman bigla na lang siyang nag blush at nahimatay. Tsk may sayad na ang mga utak nila.

"May bibilin lang kami ni Trace sa bayan para sa festival." Plain na sabi ni Janus. Wala kang mababakas na emosyon sa sinabi niya. So ito pala ang Janus kapag may mga taong hindi kakilala. Nagiging cold na lang bigla. Yung childish side niya na nakasama ko nitong mga nakaraang araw ay bigla na lang nawala at napalitan ng Janus version na ito. Hmm... interesting.

ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twinWhere stories live. Discover now