twenty** confirmed

3.4K 88 5
                                    

(Tracey POV)

Kasalukuyan kaming nakaupo sa sala dahil pag uusapan daw kung bakit nandito si Janvee. Eh hindi naman na dapat pag usapan yun diba? In fact kahit dito na siya tumira habang buhay ayos lang sakin. Ang cute cute kasi ng bata na yun. Hindi ko alam pero di ko mapigilan ang sarili ko kapag malapit siya sakin. Parang nakikita ko sa kanya si Kirby. Yung cute na bolang kulay pink. Pero di naman siya pink basta parang ganun siya kacute. Ayaw ko ngang maniwala na kapatid ni Janus yun. Kasi naman si Janus mukhang laging strikto tapos lagi pang salubong kilay. Madalang lang yun tumawa at ngumiti. Tapos si Janvee napakacute laging nakatawa. Ang sarap banatin ng mukha.

"So ano na bata? Tatanga ka na lang? Nganga na lang tayo? Di mo subukang magsalita?" Sabi ni Ralvy kaya naman tiningnan ko siya ng masama. Tengene na lalaki na to. Pag diskitahan ba naman ang bata. Angas eh. "Chil ka naman Trace. Nagbibiro lang eh hahahaha." Sabi pa niya na may pilit na tawa. Good! Makuha siya sa tingin.

"Mga Hyung. Nandito ako kasi naglayas ako sa bahay." Sabi ni Janvee habang nakayuko. Juskupo kahit anong gawin yata ng bata na to. Cute pa ring tingnan kahit saang angulo.

"Anong sabi mo Janvee?" Parang di makapaniwala na sabi ni Janus. OA lang. Malay mo ba may dahilan yung bata kaya naglayas. Buti nga naglayas siya eh. Kung di siya naglayas eh di hindi ko nakita cute niyang mukha.

"Kasi hyung hindi na safe place ang bahay para sakin. Lagi na lang kasing may mga babaeng nakaabang sa labas ng bahay at bago pa ako makaabot sa Des High nakuyog na ako. I had enough kaya naglayas ako." Paliwanag niya kaya naman natanga kaming lahat. Ibig sabihin babae ang puno't dulo n lahat? Eh ano bang meron sa mga babae dito sa Pilipinas.

"Naranasan ko na yung ganyang bagay kaya alam kong mahirap nga yan." Sabi naman ni Troy na parang ilang sa topic. Sabagay, naalala ko dati yung sinabi ni Charlie. Nagkaganyan si Troy dahil nagka phobia sa mga babae.

"Bakit ka naman daw kinukuyog?" Seryosong tanong ni Dave. Tapos biglang namula si Janvee. Aww ang kyut.

"Mga member sila ng fans club ko hyung at kahit saan yata ako magpunta nakasunod sila. Wala pa naman si Mom at Dad sa bahay. Tapos tuwing gabi umuuwi sa kanila sila Manang at aling Iska. Ako lang naiiwan mag isa sa bahay. Natatakot ako na isang araw pasukan nila ako ng walang kaalam alam." Nakangusong sabi ni Janvee. Di ko na napigilan ang kamay ko at kinurot ang pisngi niya. Nakaka temp kasi eh!.

"Grabe bestfriend bitiw na. Jusmiyo kailangan ko na yatang itali kamay mo kapag malapit si Janvee kawawa yang bata sayo." Pailing iling pa na sabi ni Charlie habang nilalayo ako kay Janvee. Aba kasalanan ko ba kung bakit napakacute ng bata na yan.

"Balik tayo kay Janvee. So you mean dito ka na muna sa dorm namin titira as of now? Eh bakit wala kang dalang maleta o kahit damit mo man lang?" Tanong naman sa kanya ni Janus. Woah bakit di ko naisip yun.

"Kasi hyung ninakaw. Paglabas ko ng babay may mga babae tapos kinuyog ako. Kinuha mga dala ko hanggang sa tumakbo na lang ako para sa buhay ko at iniwan ang mga gamit ko sa kanila." Tsk tsk kawawang Janvee.

"Ang cute mo kasi kaya ka kinukuyog. Tingnan mo nga itong si Trace kulang na lang paliitin ka at ibulsa ka. Try nating sapakin mukha mo para pumangit ka." Sabi ni Ralvy habang may malaking ngiti sa mukha.

"Eh kung ikaw kaya sapakin ko. Idadamay ko pa yung cute na mukha nung bata. Sayo na lang sapakin ko tutal wala namang magbabago." Sabi ko sa kanya sabay irap.

"Boom Panes hahahahahaha." Sabi ni Charlie habang tawa ng tawa na nagpairita kay Ralvy kaya binato siya ng unan sa mukha. Kailan ba magtitino tong dalawa na ito.

"Anyways dahil wala ka namang dala na kahit ano. We need to shop for your things." Biglang sabi ni Troy kaya napatingin kami sa kanya. Ito talagang tao na ito may tinatagong talino.

ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twinWhere stories live. Discover now