thirty one** balloon's wish and tree house

2.3K 64 4
                                    

(Tracey POV)

"Here." Sabi ni Janus sabay abot sakin ng isang maliit na notebook at ballpen. Hindi ko alam kung para saan yun pero kinuha ko pa din.

"Anong gagawin ko sa mga to?" Tanong ko sa kanya habang sinusuri ang binigay niya. Isa itong notebook na walang sulat pero halata mong nagamit na dahil manipis na ito at halatang may mga pinunit na page.

"When i was young Grandpa told me na kapag may isa kang tao na gustong kausapin o kaya naman ay may gusto kang sabihin pero di mo alam kung nasaan siya, i-attach mo lang  ang message mo sa isang white balloon and let the wind bring it to God. In that way si God na ang gagawa ng paraan para mapaabot sa taong yun ag mensahe mo."

"Huh?" Naguguluhang tanong ko. Ano ba ang pinag sasabi niya.

"Noong una nga hindi ako naniniwala sa sinabi na yun ni Grandpa. Kasi nga diba parang imposible na makuha nung taong yun ang mensahe ko pero may isang himala na nangyari parang nakuha nga ni Mama ang mensahe na yun at umuwi siya." Nakatingin lang si Janus sa langit pero feeling ko ang lungkot niya. "Ang sabi ko sa message ko sana umuwi na siya. Sana magbati na sila ni Papa. Si Janvee kasi laging umiiyak kasi hinahanap siya. Ano namang magagawa ng isang five years old na bata na gaya ko kundi ang manahimik lang. Pati si Ate lagi kong naririnig na umiiyak. Si Papa naman laging umuuwi ng lasing. Hindi ko man alam kung ano ang pinag awayan nila ni Mama. Alam kong pareho silang nahihirapan at pati kami damay. Pilit akong nagpakatatag noon. Kailangan ng masasandalan ni Ate at Janvee at dahil ako ang lalaki na mas nakakatanda kailangan kong maging matibay." Napansin ko na gumagalaw na ang balikat niya. Kaya naman tinapik ko ito para sabihin na okay na ang lahat.

ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twinWhere stories live. Discover now