twenty nine** First date.. for real? part 1

2.5K 65 5
                                    

(Third Person POV)

"Bakit hindi pa din siya gumigising?" Tanong ni Janus kay Timothy na kakapasok lang sa room ni Tracey.

"Masyadong pagod ang katawan niya this past few days kaya kailangan lang niya magpahinga. Don't worry dahil once na magising na siya, pwede ng umuwi sa dorm niyo ang kapatid ko. Iiwas mo nga lang siya sa stress kahit ngayong week lang." Sabi naman ni Timothy habang sinusuri ang kapatid.

"Salamat pala." Biglang sabi ni Janus kaya napatigil sa ginagawa niya si Timothy.

"Para saan?" Kunot noong tanong nito.

"Sa pag aalaga sa kapatid ko. Tumawag sakin si Janvee kanina. Ang sabi niya ang bait mo daw pati na din yung asawa mo. Hindi na daw siya nagtaka kung bakit mabait ka dahil kaugali mo daw si Trace. Salamat talaga sa pagkupkop sa kanya pansamantala. Uuwi din naman siya sa bahay pagdating ng parents namin". Sabi ni Janus habang nakatingin sa mga mata ni Timothy.

"Kung hindi mo mamasamain. Bakit hindi na lang ikaw ang sumama sa kanya sa bahay niyo? Pwede ka namang umuwi doon sa inyo." Biglang sabi ni Timothy kaya naman naging mailap ang mata ni Janus. Iniisip niya kung sasabihin ba niya ang dahilan kung bakit ayaw niyang bumalik sa bahay nila sa taong ngayon lang niya nakilala. Mapagkakatiwalaan niya kaya ang isang taong sa tanang buhay niya ay ngayon niya lang nakilala.

Huminga ng malalim si Janus bago magsalita." Ang totoo kasi I'm having problem with my parents right now. They want me to enter an arrangement that i don't like. Arranged marriage to be exact. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ng mga magulang ko at ipinagkasundo nila ako sa isang taong kinamumuhian ko." Sabi ni Janus na may mapait na ngiti sa labi.

ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon