Fifty seven** Scandal

1.6K 33 0
                                    


                Fifty seven** Scandal

Im sorry kung ngayon na lang ulit ako naka UD naglipat na kasi ako sa boarding house ko kaya medyo naging busy. Idagdag pa yung mga prof kong terror na first week palang yata ng pasukan up until now ay madami ng requirements. Pero carry lang. kailangang magsikap para makapagtapos.

--

"Hayy wala na talagang magawa ang mga nasa publication at kung ano anong mga article na lang ang pinupublish nila. Dave ayusin mo nga ito. palitan mo na yung mga tao mo sa publication. Masisira ang reputasyon ng school natin dahil sa kanila eh." Inis na sabi ni Charlie habang nagbabasa siya ng article sa official newspaper ng College. Malapit ng matapos ang festival at talagang madami silang kinita. Naghihintay nalang sila ng oras para pwede na nilang isara ang stall nila.

"Matagal ko na silang sinabihan na wag kung ano anong article ang ipublish nila dyan. Minsan nakakairita na din sila dahil kung ano anong issue ag mga pinapalabas nila wala naman silang proof na meron ngang mga ganyang kaganapan dito sa college. Isa pa puro hoax lang naman yang mga yan. Wag mo nalang pansinin." Sabi ni Dave na busy sa pagbibilang ng kinita ng stall nila para sa araw na iyon.

"Ano ba yang balita na sinasabi mo? Bakit ba sobrang laki ng issue na yan para sayo? Dati naman wala kang pakialam sa mga nakasulat sa dyaryo ng College. Pugad baboy nga lang yung binabasa mo eh." Sabi ni Ralvy habang nagsasalansan ng mga tray na ginamit ng stall.

"Meron daw kasing dalawang heartrob ng boy's department ang naka in a relationship status na nakatago sa public. Taena sinongmaniniwala sa ganitong kagaguhan. Palala ng palala mga sinusulat nila para lang may bumasa sa dyaryo nila." Sagot ni Charlie habang busy pa din sa pagkalkal ng dyaryo.

"Pano naman nila napatunayan na may ganyan nga? May nakalagay ba dyan na may proof ba sila?" tanong naman ni Janus na nakaupo lang. May benda ang kamay nito dahil napaso ito sa pagbabake kanina.

"ang sabi ay may ipapalabas daw sila na picture sa bulliten board bukas. Ini encourage nila ang lahat na tingnan ang board bukas. Ano sa tingin niyo?" tanong ni Charlie sa mga kasama sabay tapon ng dyaryo sa basurahan.

"Puntahan na lang natin para wala ng pinuputok ang butsi mo dyan. Simpleng bagay lang kasi ginagawa mong malaking issue. Kapag hindi ka sangkot wag mo na lang pakialaman kaya ka napapahamak eh." Sabi ni Tracey sabay batok ng malakas kay Charlie. "hoy Troy tumayo ka nga dyan. Maghapon ka ng tulog, namamaga na yang mga mata mo oh." Sabay sipa nito kay Troy na ksalukuyang natutulog sa lagayan ng mga cakes bago tuluyang pumasok sa loob ng dorm.

"Bakit ang init ng ulo nun?" kamot ulong tanong ni Troy. Sa pagkabigla niya ay naumpog siya sa shelf kaya naman may bukol siya sa ulo.

"Nalaman niya kasi kanina na yung Toxic yung leading sa kita ng stall. May pustahan yata sila ni Maki at ayaw niyang patalo. Alam mo naman yan ayaw natatalo." Paliwanag ni Dave kaya naman napatango na lang ang iba at tumulong na din sa pagliligpit ng stall nila. Last day na ng festival bukas kaya naman alam nila na mas dudumugin ang stall nila ng mga babaeng galing sa girl's department.

"Magpahinga na muna tayo for now. Maaga pa tayong magbubukas ng stall natin bukas. Take a rest guys wag magpasaway." Sabi ni Janus sabay pasok din sa dorm.

"Alam mo Troy may masama akong pakiramdam tungkol dun sa issue na yun. Hay tumitindig pa din yung balahibo ko kapag naaalala ko yun." Sabi ni Charlie habang nakaakbay kay Troy papasok sa dorm.

"Kung ako sayo Charlie itutulog ko na lang yan. Ayan na naman yung imagination mo." Inis na sabi sa kanya ni Troy habang hawak pa din ang ulong may bukol.

ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twinWhere stories live. Discover now