four** epic first day

3.8K 92 0
                                    

(Tracey POV)

Ang sakit ng ulo ko. It's the first day of school pero wala ako sa mood pumasok. Gusto ko pang matulog. Gusto ko pang magpahinga. Bakit ba ngayon ko pa lang nararanasan ang jetlag na ito bwisit kasi yung mga lalaki na yan. Arghh kung pwede lang pumatay kagabi pa sana sila walang buhay. Langya. Pahirapan pa yung pagpapaalis ko kina Ralvy at Charlie sa kwarto ko kagabi. Welcome there ass. Wala ako sa mood makipagkulitan sa kanila pero ang mga walangya ayaw akong tantanan. Hutangnangloob mababaliw ako sa lecheng dorm na ito.

Idagdag mo pa yung lecheng Troy na yun. Tama bang magsleepwalk papunta sa room ko. Bakit di niya itry magsleepwalk papuntang highway para naman masaya. Sinipa ko nga palabas ng kwarto ko. Ang kapal matulog sa kama ko. Eh kung tuhugin ko kaya siya ng samurai ko. Lintek na. Tapos ang walangyang Janus na yun ke aga aga katok ng katok sa kwarto ko ngayon na daw ang umpisa ng training niya. Nakakasora pa yung pagtawag niya ng master sakin putek paano natagalan ni Frai lahat ng ito. Buti na lang medyo matino si Dave. Siya ata tagabawal ng mga hudas na ito. Well remove the irritating color of his shirt. Ang sakit sa mata ng yellow, red at orange na print sa kulay violet na t shirt with matching sky blue pants pa. Jusko kailan ba nabuhay ang isang ito. Hindi yata marunong magcolor combination ng damit. Ganyan ba talaga manamit ang isang president. Maloloka ako sa mga taong ito.

"Bespren gising kana. May pasok pa tayo. Bawal malate." Sigaw ni Charlie mula sa pinto sabay malakas na katok pa. Arrghh sarap niyang hagisan ng dagger.

"Go to hell. Pumasok kang mag isa mo pisti. Patulugin niyo ako. Sabihin niyo sa prof may sakit ako. Masakit ulo ko. May jetlag ako o kaya naman namatay na ako. Just leave me alone." Sigaw ko sabay takip ng unan sa ulo ko. Mga walangya ayaw akong patulugin. Pisti go to hell!.

"Ayaw pa din niyang gumising. Kasalanan mo ito Troy. Napuyat mo siya kagabi dahil sa sleepwalk mo." Narinig ko pang sabi ni Charlie.

"Kayo nga ni Ralvy ang ayaw magpatulog sa kanya kagabi." Sabat naman ni Troy. Yung totoo bakit kapag nag uusap sila hanggang dito dinig ko. Ito ang mahirap sa assassin skills ko pati mga ayaw ko marinig ay naririnig ko.

"Si Janus kaya. 3am pa lang nanggigising na." Sabi naman ni Ralvy.

"Aba pasalamat nga kayo at nakakain kayo ng almusal eh." Sabi naman ni Janus. Waaahhh tumahimik kayo mga pisti. Magpatulog kayo.

"Tama na nga yan. Charlie iready mo na ang van. Troy yung mga lunchbox natin ayusin mo na. Ralvy toka mo ngayon. Hugasan mo na ang mga pinagkainan bago tayo umalis. Janus gisingin mo yan. Kailangan konpang ayusin ang reports para sa first day of class. May 1 hour pa tayo bago malate. Ayusin at bilisan niyo sana ang kilos niyo." Sabi ni Dave. Oh sige siya na ang leader nila. Pisti lang. Bahala sila sa buhay nila. Basta ako matutulog ako.

"Trace bumangon kana dyan. Kapag hindi ka bumangon dyan malalate tayo. Terror pa naman ang director natin." Sabi pa nito. Base sa pagkakarinig ko nakapasok na siya sa room ko. Next time pakipaalala sakin na ilock ang pinto ng room ko. Kanina pa sila pasok ng pasok eh. Pisti leche.

"Ayaw ko. Lumayas ka na. Iwanan niyo na lang ako. Wala akong pakialam sa director niyo. Papasok ako kung kelan ko gusto." Sabi ko sa kanya sabay yakap ng mahigpit sa unan ko. Haayyy sarap buhay. Para akong lumulutang sa ere. T-teka lumulutang nga ako. Pisting Janus na ito.

"Hoy Janus ibaba mo ako leche ka. Masasapak kita. Gusto ko pa sabing matulog eh." Sigaw sa kanya..

"Oh sige sabi mo ibaba ka eh." Sabi niya sabay laglag sakin sa sahig. Aray ko yung butt ko walangyang lalaki na ito.

"F*ck hindi ko sabing ihagis mo ako sa sahig ng cr pisti." Sigaw ko sa kanya kaya lang tumawa lang ang loko. Waahhh ang gwapo pala niya kapag tumatawa. Wait ano sabi ko? Erase erase.

ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twinWo Geschichten leben. Entdecke jetzt