twenty seven** The Kiss

2.7K 67 4
                                    

(Janus POV)

Hindi ko alam kung ako lang ba pero parang kinabahan ako pagkatapak ko palang sa DC. Mabilis akong tumakbo papunta sa gate ng dorm at basta na lang iniwan sa guard ang van namin. Hindi ko kasi maipaliwanag yung kaba ko sa mga oras na ito. Parang may mali kasi eh. Parang may kung anong kakaiba dito sa DC. Bukod dun sa wala kang makikitang ibang studyante na nagkalat meron talaga akong ibang pakiramdam.

Pagkadating ko sa tapat ng gate ng dorm namin kulang na lang lundagin ko na yung maliit na gate makapasok lang agad sa loob ng dorm. Sh*t bakit ang tahimik masyado. Nasaan naba si Trace. Imposible namang tulog pa yun sa gantong oras. 8 am na at malamang kumakain na yun ngayon habang nanonood ng tv. Sa loob ng maikling panahon na pinagsamahan namin halos kabisado ko na ang daily routine niya. Kagising niya maliligo siya o di kaya naman ay ihahagis ko siya sa cr. Pagkatapos noon ay magluluto ako habang nakabantay siya o di kaya naman ay siya mismo ang magluluto kapag nakamood siya. Once na matapos na siya sa kusina kukuha siya ng bowl at chopsticks sabay kuha ng pagkain hanggang sa mapuno yung mangkok niya. Kapag satisfied na siya uupo na siya sa harap ng tv at iiwanan kami sa dining area para mapanood yung kpop channel na gustong gusto niya. Lalo na ngayon at wala siyang kaagay sa tv dapat sana malakas na kpop music na yung naririnig ko pero wala. Ang tahimik ng dorm ngayon. Wala yung nakakarinding music na si Trace lang naman ang nakakaintindi. Well magaganda yung mga kpop groups. Mapalalaki man o mapababae.  Ang ganda ng mga mukha nila kaya kung minsan nakikinood din kami pero ang ending may magbabato samin ng kutsara dahil maling pangalan ng idol or ng group ang nasabi namin.

Sinubukan kong buksan ang doorknob ng dorm pero sh*t lang nakalock. Ang sa kasamaang palad naiwan ko pa yata ang spare key ko sa loob ng kwarto ko. Tengene, bakit ba ako ngayon pa naging ulyanin. Nilock ko nga pala yung pinto ng kwarto ko kaya paano ako makakapasok dun ngayon. At higit sa lahat paano ako makakapasok sa loob ng dorm na ito eh halos kasing tigas yata ng bakal ang pinto na ito kaya imposibleng masira ko. Aist ang tanga tanga. Tengene!

Halos kalahating oras na akong sumisigaw dito pero pisting Trace wala yata akong balak pagbuksan ng pinto. Napaos na ako't lahat lahat pero ang walang puso kong dormmate di man lang naawa sakin. At ang pinaka nakakapag hindi magpakali sakin ay yung hanggang ngayon kahit isang kaluskos wala akong marinig sa loob ng dorm. Ano na bang nangyari kay Trace. Sinubukan kong ilibot ang paningin ko sa paligid ng dorm  kailangan kong makapasok kahit anong mangyari.

Kulang na lang pasalamatan ko na lahat ng santo na kilala ko pagkakita ko na bukas yung sliding door ng sala papuntang mini garden ng dorm. Agad kong inakyat ang medyo may kataasang bakod para makapunta ako sa garden at sa ganoong paraan makakapasok na ako sa dorm. Muntik pa nga akong malaglag sa pader dahil may naapakan akong madulas na lumot. Letche! Pagkauwi nga ng mga gag* na yun ipapakuskos ko sa kanila itong lumot na ito. Pahamak eh.

Success akong nakapasok sa dorm pero lintik nga naman oh. Wala pa ding kahit anong bakas ni Trace. Nasaan na ba yung lalaki na yun. Di ba niya alam na nag aalala na ako. Kulang na nga lang paliparin ko na yung van kanina para lang makauwi agad dito dahil sa nalaman ko tapos ngayon missing in action naman pala ang loko.

Hindi kaya sinimulan na niya yung mission niya? Pero nung tinanong ko si manong guard kanina nakita daw niyang lumabas ang kotse ni King at mag isa lang ito. Could it be nandito sa loob ng destiny college si Trace. Pero lintik! Ang laki ng college na ito saang sulok naman ng college ko siya hahanapin.

Pumunta na muna ako sa kusina para kumuha ng malamig na tubig sa fridge. Kailangan ko ng maiinom para kumalma. Di ko alam kung adrenaline rush lang ba ito o talagang kinakabahan talaga ako. Ano ba naman kasi itong nangyayari sakin. Kailangan ko na yatang pumunta sa hospital dahil basta basta na lang akong kinakabahan ng walang dahilan.

ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twinWhere stories live. Discover now