thirty **first date.. for real part 2

2.7K 70 3
                                    

(Tracey POV)

Kanina pa walang kibo si Janus habang nagdadrive. Ewan ko ba sa taong ito pabago bago ng mood. Kanina lang nawindang niya ako nung sinabi niyang magdadate daw kami. Tapos nung nakasakay na siya sa Ducati niya bigla namang nanahimik. Dafuq lang diba. Nasa matino pa ba ang pag iisip nito? Tama bang yayain magdate ang isang lalaki. Don't tell me na he's a gay? Ang gwapong lalaki niya. Ang laking sayang tsk tsk.

"Waaahhh..." Bigla akong napasigaw kasi the moment na nakarating kami sa highway bigla na lang bumilis ang takbo ng motor niya. Feeling ko natanggal na ang kaluluwa ko kasabay ng hangin na tumatama sa katawan ko.

"Kumapit ka lang. Baka kasi mahulog ka." Malumanay na pasigaw niyang sabi. May ganun ba? Hindi ko kasi maririnig kung di niya isisigaw eh. Basta ganun. Nagulat na lang ako nung mag one hand siya sabay kuha ng mga kamay ko na nakakapit sa mga braso niya papunta sa bewang niya. Di pa siya nakuntento dahil pinayakap niya talaga ako sa kanya. Damang dama ko tuloy ang abs niya na nahahawakan ko. WTF! Gusto na ba niyang mamatay. Ang bilis ng takbo namin tapos mag o-one hand siya.

Wala na akong ibang ginawa kundi ang hawakan ang abs niya este kumapit sa kanya dahil ayaw kong malaglag. 150kph na yata ang takbo namin. Di na ako magtataka kung may humabol saming mga pulis dahil sa over speeding.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal na ganoon kabilis. Ang alam ko lang ay tirik na tirik na ang araw at kanina pa ako nagugutom. Hindi ko din alam kung papunta na ba ng dorm namin ito. I'm really sucks at directions kaya kahit kidnapin ako ngayon ni Janus eh wala akong kaalam alam.

After ilang minutes medyo bumagal na ang takbo niya. Sa wakas nasa right speed limit na din siya. Ayaw ko namang mahuli ng mga pulis dahil sa kagagawan niya. Masyado akong maganda para makulong duh!

"Gusto mong kumain?" Tanong niya sakin kaya naman para bang nagliwanag ang langit sa paningin ko at umulan ng anghel. Sa wakas! Naisipan din niya na nagugutom na ako at kailangan kong kumain.

"Thank god at tinanong mo yan. Kanina pa ako gutom na gutom." Pagkatapos kong sabihin yan i heard him chuckle. Eh? Ano namang nakakatawa sa sinabi ko aber?

"You know what Trace. I really like that childish side of yours. You're so fierce kasi lagi. Para bang you're protecting your image or whatever it is. I'm glad that you show that side of yours to me. I do really like you that way." Sabi niya kaya naman ako nganga. Kelan pa naging chessy ang isang kusina maniac. Kelan pa naging chessy ang isang bugnutin na leader. Katapusan na ba ng mundo? Maghahari na ba ang mga daga dahil sa cheesiness ng mga tao? Okay saan galing yun. OA na!

Huminto yung motor sa isang karinderya. I tried to blink my eyes a couple of times kasi baka dini deceive lang ako ng aking mga mata pero WTF nasa karinderya nga kami. Don't tell me papakainin niya ako dyan. Mabuti pa sana kung sa isang fastfood man lang niya ako dinala pero hindi eh. Sa isang karinderya! Sabihin niyo ng OA ako pero never in my entire life na kumain ako sa ganyan. Other people think na we are born with golden spoon on our mouth. Pinanganak ako sa isang mayamang angkan at never, as in never kong pinangarap na kumain sa kainan na hindi ko alam kung ligtas ba.

ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twinWhere stories live. Discover now