Forty** preparation

1.8K 52 2
                                    


(Tracey POV)

Nasa mall kami ngayon, kasama ko ang Shadow dahil sila daw ang magmamake over sakin. Tulong na daw nila para di ako magmukhang tanga kapag naging babae ako. Gusto kong ipagsigawan sa kanila na hindi ko kailangan ng tulong nila dahil alam ko naman ang dapat bilin na gamit at kung ano ang dapat kong gawin dahil for crying out loud babae ako. Pero di ko sila masigawan dahil nga hindi nila alam na babae talaga ako.

Ang dapat na kasama ko ngayon ay si Nami pero ang walangyang si Charlie matapos akong dayain ay basta na lang nagpresinta na siya na lang ang sasama saking magshopping. Pero kinabukasan nagulantang ako dahil lahat sila gusto ng sumama na magshopping akala mo naman bibilin namin ang buong mall. Kung si Nami ang kasama ko edi sana libre na lahat ng kailangan ko. Gustong gusto kasi nung babae na yun na inaayusan ako pero dahil sa hindi siya ang kasama ko ay mabubutas na naman ang bulsa ko nito panigurado.

Kanina kasi nung pinipilit nila ako na sila na ang sasama sakin ang sabi nila ililibre nila ako pero ngayong pagdating namin sa mall biglang ang sabi nila ako na lang daw magbayad ng bibilin ko total mas mayaman naman daw ako sa kanila. Grabe talaga. Ang sarap nilang ibaon sa lupa ng buhay. O di kaya naman ihulog mula sa rooftop ng isang 100th floor building. Kung buhay lang sana si Yumi edi sana pinalapa ko na lang sila doon sa tiger nila Uncle Sky pero pumanaw na kasi siya kaya wala ng lalapa sa kanila.

Kasalukuyan kaming pumipili ng damit sa H- Empire. Dress or gown kasi ang kailangan kong isuot sa ball dahil formal party yun. Kung malapit lang sana dito ang bahay namin pwede na lang sana akong kumuha ng damit doon para sana di na gumastos pero sad to say hindi ko alam kung malayo ba ang kinakalagyan ng Kinaroroonan namin ngayon sa bahay namin. May sayad kasi ang utak ko pagdating sa direksyon at mga lugar. Pati nga right turn at left turn hindi ko mafigure out agad agad kaya ano namang alam ko sa kinaroroonan namin ngayon eh first time ko din dito.

Ang awkward nga lang dahil lahat kami nakabihis lalaki tapos ang tinitingnan namin ay mga dress. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga ibang namimili. Sino ba naman kasing di magtataka na anim na gwapong lalaki okay scratch that limang gwapong lalaki at isang babae ang namimili ng dress. Nagmumukha tuloy bakla yung lima.

"Maputi si Trace kaya dapat dark color na gown ang piliin natin para lalo pa siyang pumuti." Narinig kong sabi ni Ralvy habang pumipili ng damit. Seryoso siya ngayon at hindi maloko. Mabuti naman at kahit ngayon lang ay tumino siya kahit paano.

"Eto kaya?" sabi niya habang painosenteng nakangiti pero alam kong sa likod ng mga ngiti na yun ay isang demonyo ang humahalakhak. Ang gusto lang naman niyang ipasuot sakin ay isang kulay black na parang damit ng witch. Mahaba nga yun dahil parang witch gown na di mo mawari pero ball ang pupuntahan ko at hindi isang hollowen party!

"Mas maganda kaya ito. Wala ka talagang sense of fashion Ralvy." Sabi ni Dave kaya naman napatingin ako sa kanya. Napangiwi na lang ako nung makita kung ano ang hawak niya, Isa itong kulay yellow na long gown with matching malaking pulang bulaklak sa gitna. Taena ganyan ba yung may sense of fashion.

"Ang sagwa naman niyan mukhang bulaklak na tumubo sa araw. Mas maganda tong nakita ko." Sabi ni Charlie sabay pakita ang isang kulay pula na dress na sobrang taas ng slit. Eh parang lilitaw underwear ko dyan kapag yan ang sinuot ko ah.

"Anong tingin mo kay Trace Bayarang babae. OA namang masyado yan. Conservative kaya si Trace." Sabi ni Janus kaya naman napanod ako. Nasa katinuan pa naman ako para hindi magsuot ng ganyang klase ng mga damit no."Eto Trace gusto mo itry?" Nakangiti pa niyang sabi sakin sabay pakita sa kulay pink na dress na madaming kulay blue na bulaklak. Mukha ngang hindi dress ang tingin ko dun kundi flower vase. Ang akala ko pa naman ay may matinong tao na pwede akong tulungan sa pamimili I guess maling akala lang pala ang lahat. Hay.

ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twinजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें