sixteen** Trace is a sorcerer?

3.3K 88 5
                                    

(Tracey POV)

Habang inaalalayan ko si Charlie at Ralvy may isang bagay na nakaagaw ng pansin ko kaya nabitawan ko ang dalawa. Sabay pa silang napaaray kaya nag sorry na lang ako. Sarreh okay nabigla lang kasi ako kung paano napunta ang bagay na yun dito.

Imposibleng mapunta ito dito. Hindi ako familiar sa may ari ng katana na yun pero isa lang ang sigurado ako. Yun ang katana na nakita ko sa clan house. Ang katana ni Blade ng original Shadow. Nilapitan ko at tiningnan ng mabuti ang katana. Sh*t ito nga yun. May nakaukit sa hawakan nito ng Shadow kaya walang duda. Pano napunta ito sa kanila.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong arena. Nag aalisan na ang mga nanood pero may isang grupo na hindi natitinag sa pwesto nila. Ang Rank one. Hindi ko alam kung ano ang name ng gang nila pero sigurado ako na sila yun. Base sa get up nila at yung lalaking brown ang buhok. Hindi ko makita ang mukha ng iba sa kanila dahil natatakpan ito ng hood ng jacket nila pero yung iba parang pamilyar sakin ang mga mukha nila. Lalong lalo na ang leader nila. Pero bakit hindi ko maalala kung san ko sila nakita. Hindi ko alam kung nakalaban ko na ba sila noon or nagkita na kami somewhere pero iisa lang ang alam ko. Mapanganib silang lahat. Mga assassin sila gaya ko. Nasesense ko yun at hinding hindi ako pwedeng magkamali.

Napansin ko naman yung isa sa kanila na parang may tinitingnan at ganun na lang ang pagtataka ko dahil sa katana siya nakatingin. Hindi kaya siya ang nagbigay nito? Pero paanong nasa kanila ang katana ni Blade. Madaming tanong na gumugulo sa utak ko kaya balak ko sanang puntahan ang mga lalaki sa taas pero tinawag ako ni Janus. Nung ibalik ko ang tingin ko sa kanila, wala na sila. F*ck sayang.

Dali dali naming dinala sa dorm ang apat na sugatan. Inuna ko ng gamutin si Ralvy dahil siya ang may pinakamalalang tama. Mabuti na lang at naturuan ako ni Umma tungkol sa panggagamot ng ganitong klaseng pinsala. Nagsimula na akong gumawa ng gamot pampatigil ng pagdudugo. Sigurado naman akong walang lason yung mga sugat nila. Gumawa na din ako ng gamot para sa baling buto since si Dave ay nabalian ng buto sa kamay.

Matapos mapainom ng gamot sa pampatigil ng dugo si Troy, Charlie at Ralvy. Agad kong nilinis ang sugat sa tagiliran ni Ralvy. Swerte siya dahil walang tinamaan na organs. Matapos kong gamutin ay tinurukan ko siya ng pampamanhid para na din matahi ko na ang sugat niya. Nag masiguro ko na ang benda ng sugat niya sinunod ko naman ai Troy. Medyo malalim ang tama ng bala sa hita niya. Matapos kong maalis ang bala at malinis ang sugat niya ay binendahan ko na din ito. Mabilis ang naging kilos ko dahil baka mapahamak sila. Ang mahirap pa ay wala man lang akong assistant na pwedeng mag abot sakin ng gamit kaya nagtatagal. Si Janus naman pagkadating namin sa dorm ay nawalan din ng malay. Kaya solong solo ko ang buhay ang saya sobra!

Matapos ko kay Troy ay si Charlie naman. Ginamot ko ang tama ng baril niya sa braso at tinahi ang hiwa ng katana sa hita niya. Mabuti na lang at tulog sila baka kasi kapag nakita nila ang ginagawa ko sa kanila mahimatay lang sila. Kasalanan ko pa nun pag nagkataon. Nilinis ko na din ang ibang sugat sa katawan ng tatlo at nilagyan ng ointment. Hindi yun ordinaryong ointment dahil kaya nun pagalingin ang mga sugat in a short period of time. Kaya siguro bukas maayos na ulit ang mga mukha nila pati na din ang mga sugat nila. Pinainom ko na kay Dave ang gamot para sa baling buto niya at inaasahan ko ng bukas ng hapon siya magigising dahil yun ang side effect ng gamot na yun. Huli kong ginamot si Janus. Konti lang ang mga sugat niya. Siguro nanghina lang siya dahil sa naamoy niya. Matapos kong masiguro na maayos na silang lahat lumabas na ako ng kwarto ko.

Oo tama ang nabasa niyo. Sa kwarto ko dun lahat sila. Nakahiga silang lima sa kama ko. Pasalamat sila at may mga pinsala sila kundi nasipa ko na sila paalis sa kama ko. Napagpasyahan kong maligo na lang sa banyo malapit sa kusina. Punong puno kasi ng dugo ang damit ko.

Natapos na akong maligo at pumunta ako sa sala. Nandun pa din ang katana. Hanggang ngayon isang misteryo pa din sa akin ang katana na ito. Meron din kasi akong ganito. Iba nga lang ang kulay ng handle. Itong katana ni Blade ay kulay dilaw ang hawakan. Samantalang ang akin ay kulay green. Pinamana sakin yun ni Umma. Ibig bang sabihin ang nagbigay sa kanila nun ay anak ni Blade? Or isa sa kanilang lima ang anak ni Blade?

ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twinWhere stories live. Discover now