twenty five** airport troubles

2.9K 78 4
                                    

(Tracey POV)

It's already 5 in the morning at kanina pa nila ginigiba ang pinto ng kwarto ko. Lengya. Aalis na nga sila ngayon di pa pinatahimik ang buhay ko.

"Bestfriend sumama ka na kasi! Kaya na ng Rank one yun." Sabi ni Charlie at parang nakikita ko na siyang nag ta tantrums habang kumakatok sa pinto.

"Trace si Janus hindi nagluto ng almusal. Nakatopak siya ngayon. Parang awa mo na magluto kana." Narinig ko namang sigaw ni Dave.

"Trace ayaw mo ba talagang sumama? Hindi mo makikita ang snow ng Japan. Ma O-OP ka kapag pag uwi namin tapos pag uusapan namin yung vacation sige ka." Parang nang iinggit pa na sabi ni Ralvy. Duh. Ilang ulit na akong nakapunta ng Japan kaya hindi niya ako Maiinggit. Ang kailangan ko ngayon ay pahinga. Napuyat ako kagabi dahil sinimulan ko na ang mission ko. At so far may ilang tao na akong lead. I think one or two weeks balik sa normal na ulit itong College.

"Trace yung cookies ko kinain ni Janus. Huhuhu pagbake mo ako ulit. Hindi ako aalis hanggat wala akong cookies." Ngawa ni Troy. Aba himala siya ang naagawan ng pagkain. Samantalang silang dalawa ni Ralvy ang mahilig mang agaw.

"Hoy hindi ko kinain cookies mo. Tinikman ko lang. Ang swapang nito." Sigaw sa kanya ni Janus.

"Ako pa ang swapang eh inubos mo nga." Sabi ni Troy habang ngumangawa pa din.

"Tanga nito ako pa sisihin. Eh pagkakita ko kanina sa cookie jar mo iisa na lang ang laman. Nung nakain ko yun saktong dating mo. Wag mo akong pagbintangan." Sabi ni Janus kaya napatahimik si Troy. Pero after ilang seconds nakarinig ako ng kalabog.

"Tengene mo Ralvy magnanakaw ka ng cookies." Sigaw niya. At malamang may rambolan na nagaganap sa labas.

"Bestfriend. Huhuhuhu."

"Pwede ba patulugin niyo ako. Pisting mga ito. Aalis na nga lang kayo guguluhin pa ninyo ang tulog ko. Magsilayas na kayo." Sigaw ko sabay takip ng unan sa ulo ko. Makakatulog na sana ako pero napadilat ako kasi parang lumulutang ako. At lintik nga naman buhat buhat lang naman ako ni Janus at bago pa ako makaanggal hinagis na niya ako sa cr. Tang** bakit ba habit nitong tao na ito ang paghagis sakin sa cr.

"Rot to hell Janus!" Inis na sabi ko pero ang loko ngumisi lang habang hinahagis sa ere ang pisting duplicate key. Nakailang susi na akong nakuha sa kanya bakit hindi siya nauubusan pisti!

Pagkatapos ko silang ipagluto ng almusal at ipagbake ng cookies si Troy ay nag ayos na sila para hindi sila malate sa flight nila. Mukhang wala na ngang balak umuwi sila Troy at Charlie dahil palakihan at paramihan sila ng bag at luggage.

"Lock the door kapag aalis ka same as kapag matutulog kana. Wag kang tatanga tanga kapag nag iisa ka na lang dito. Wag mong sunugin ang kusina. Wag kang maglikot at baka makabasag ka.. Blah blah balh." Paalala ni Dave bago humakbang palabas ng pinto.

"Yeah yeah hindi na ako bata para pagbilinan mo ng ganyan. Now shoo lumayas na kayo para makatulog ako ulit. Istorbo." Sabi ko habang pilit sinasara ang pinto. Pero tinutulak naman niya ulit para bumukas.

"May cookies ka pala dyan galing kay Lorraine." Pahabol pa niya pero dinampot ko ang box ng cookies at hinagis ko sa kanya.

"Iyo na lang. Kung ayaw mo bigay mo kay Ralvy baka sakaling makatulong yan para tumaba siya at makapag sumo. Alis na dami pang satsat." Sabi ko bago tuluyang isara ang pinto.

Hay sarap ng life. Solo ko ang dorm meaning walang istorbo ng tulog. Heaven!

**end

(Janus POV)

"Ano ba naman yan Troy bakit ba ang dami mong dala. Tapos ngayon matutulog ka pa, eh kung sapakin kaya kita." Sigaw ni Ralvy kay Troy habang hinihila siya papasok sa waiting area ng airport. Kulang na lang isakay niya si Troy sa trolley ng mga gamit para madala ito sa upuan namin. At dahil naawa ako sa kanya binato ko ng sapatos si Troy sa ulo para naman matauhan siya. Anong akala niyo sakin, tutulungan ko si Ralvy sa paghila kay Troy? Nah di ko gagawin yun. That isn't cool at syempre magsasayang lang ako ng energy. Bahala silang magbangayan dyan.

ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twinWhere stories live. Discover now