eighteen ** New side

2.7K 80 12
                                    

(Janus POV)

"Hyung sino ba yung babae na yun. Pumunta ako dito para umiwas sa babae tapos aabutan ko dito babae. Girlfriend mo ba yun?" Nakasimangot na sabi sakin ni Janvee. Pero ano daw babae?

"Vee sinong babae yung sinasabi mo?" Takang tanong ko sa kanya. Kasi nga diba lahat kami dito lalaki!

"Yung nagbukas ng pinto kanina hyung. Yung nagmurder ng pisngi ko." Sabi niya habang hawak ang mga pisngi niya na hanggang ngayon ay namumula pa din. Adik din kasi si Trace eh. Pagtripan ba naman ang kapatid ko. Ayaw tuloy lumabas ng kwarto ko.

"Huh? Pero lalaki yun. Are you blind or what." Nagulat pa siya nung sinabi ko yun. Totoo naman kasi eh. Lalaki si Trace. Tsaka imposible naman na makapasok dito ang babae right? I mean may department naman for girls at base sa kilos ni Trace hindi naman siya mukhang desperado. In fact mas maangas pa nga sakin ang loko.

"L-lalaki yun? Bakit mukha siyang babae. Don't tell me hindi niyo napansin na mukha siyang babae?" Sigaw niya sakin. Oo nga noh. Ngayon ko lang din napansin. Masyadong soft ang facial features niya para sa lalaki. Mas maliit din siya kumpara samin. Pero madami namang lalaking ganun diba? Tsaka he's half Korean. Base sa mga nakikita ko sa tv ganun talaga ang mga features ng mukha nila. Lalo na isa daw siyang idol at model sa Korea.

"Vee lalaki yun. Ang angas nga nun eh. Half Korean lang siya kaya ganun mukha niya." Paliwanag ko pero naningkit lang ang mata niya. Ito ang ayaw ko sa kapatid ko eh. Masyadong nanonood ng detective conan kaya nahahawa na siya. Akala mo detective mag isip. Palpak naman kung minsan. Naaalala ko pa one time may inimbestigahan siya sa bahay. May nawawala kasing singsing si Mom. Nagpatawag pa siya ng pulis dahil daw may magnanakaw sa bahay yun pala hindi sadyang nasagi ni Mom yung singsing at nalaglag sa daluyan ng tubig. Nakakahiya talaga ang time na yun. Buti na lang at wala siyang pinagbintangan nun kundi mas lalong nakakahiya.

"Sigurado ka hyung? Papano kung babae siya. Tapos nandito siya para gayumahin ka."

"Wag ka ngang praning Vee. Tara na labas na tayo. Nagugutom na ako.Nagluto pa naman ako. Mag uusap pa tayo mamaya kung bakit nandito ka." Seryosong sabi ko bago lumabas pero ang makulit kong kapatid hindi man lang sumunod kaya wala akong ibang nagawa kundi ang balikan siya sa loob at hilahin palabas. Nakakahalata na ako ah. Bakit lagi na lang ako yung nanghihila at nagkakaladkad sa kanila ngayon araw. Pisti kasing Dave eh tulog ng tulog. Nahawa na yata kay Troy. Idamay mo pa yung Troy na yun tsaka yung dalawang pasaway bakit ba nila naisip na sorcerer si Tracey. Hindi naman siya mukhang Gothic para maging sorcerer. Minsan talaga iniisip ko na ipasok na sa mental yung tatlo na yun. Kailangan ng maagapan yung mga tama nila sa utak bago lumala.

Pagkadating namin sa dining room parang nagningning ang buong paligid. Anong meron at bakit parang nagkamagic at dumami ng ganito ang pagkain. Maski nga si Janvee napanganga dahil na din hindi niya expect ang mga pagkain na nakita niya. Sa mga times kasi na nagpupunta siya dito kung hindi instant noodles, pagkain na sunog ang napapakain namin sa kanya.

"Hyung ang sabi mo ikaw nagluto niyan? Di nga hyung? Kelan ka pa natuto magluto ng ganitong klaseng pagkain?" Sabi pa niya sakin na halatang di makapaniwala. Eh maski nga ako di ako kakapaniwala. Isang putahe lang yung niluto ko. Yung mechado lang ang niluto ko dyan. Nagkabukol pa nga ako dahil sa mga kutsarang nabato sakin ni Trace kanina kasi mali yung nalagay ko. Ano ba kasing pinagkaiba nung sibuyas at bawang. Diba pwede namang sabay iluto yun. Tapos gusto niya unahin ko daw sibuyas kasi mabilis maluto ang bawang. Hindi ko talaga magets yung lalaki na yun.

"Janvee hindi ako ang nagluto ng mga yan. Baka nga tama sila Charlie. Baka nga sorcerer si Trace at nagmagic siya para dumami ng ganyan ang pagkain." Wala sa sariling sabi ko. Trace never failed to amuse me. Bakit ba lagi na lang akong namamangha sa mga pinapakita niya samin. Alam kong may attitude siya pero there's something in him na you want to know him more. Yung first time we argued about my food. Alam kong sobrang nadown ako dahil sa panlalait niya pero after that he showed me the real talent in cooking. He's like Travis in a better version. Travis thought me some basics only pero si Trace he's different. Nandyan siya at matiyagang nagbabantay sakin at tinatama ang mga pagkakamali ko. Hindi ako nagkamali na maging apprentice niya.

ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twinМесто, где живут истории. Откройте их для себя