twenty three** Maki

3.1K 79 1
                                    

(Tracey POV)

Bigla na lang akong hindi makagalaw sa pwesto ko. Bakit nandito sa dorm namin ang isang assassin. Isang miyembro ng Rank one. Nakatingin lang ako sa kanya. Sa likod ng inosente at maamo niyang mukha ay may nakatago na isang katauhan na nakakabahala. Hindi mo aakalain na ibang tao siya kunpara sa itsura niya. Hindi ko naman maramdaman na may dala siyang panganib. In fact, i really felt comfortable around him. It's like I'm wanting him near me. It's like i want to protect him from any danger just like a dongsaeng(little brother/sister).

"What's with the tension Janus-ssi." Sabi ni Mir habang may mapaglarong ngiti pa din sa labi niya. I guess nagustuhan niya ang tension na nabuild up sa mga kasamahan ko. "The gang fights are all postponed. In fact wala naman kaming sinend na invitation for fight sa inyo. Stay calm and chill. Nandito lang ako para samahan si Maki. Nothing more nothing less." Dagdag pa niya. Well may point naman siya doon pero ang inaalala ko dito ay baka isa siyang spy. Baka kalaban siya at nagmamanman lang sa paligid at naghihintay na sumugod. Kung kagrupo siya ni King at kilala ako nito bilang Tracey may posibilidad na kilala din ako ni Mir sa katauhan na yun. At ang kinakatakot ko ay kung malaman nila na assassin din ako. Kung assassin si Mir posible kaya na kilala niya yung assassin na nakaharap ko kanina. O hindi kaya ay siya yun. Sh*t lalong gumulo ang isip ko.

"Waaahhh hyuuuuung." Sigaw ni Maki mula sa kusina kaya naman napatakbo ako, i mean napatakbo lahat kami papunta sa kanya. Bigla tuloy nawala ang tension at para kaming tanga na tumakbo papunta ng kusina.

"What's wrong?" Tanong ni Troy na naunang nakadating sa kusina. Aba himala at gising itong isa na ito. It's a miracle!

Humarap sakin si Maki nakapout pa with matching teary eyed pa ang loko."Ang sama mo hyung," Sumbat niya sakin kaya naman napa'huh' ang mga kasama ko."Ngayon na nga lang ako pupunta sa dorm mo tapos wala pa akong aabutang pagkain iheytyu(i hate you na nagpapacute haha)." Sabi niya habang nakanguso pa din.

"Aba malay ko bang pupunta ka pala dito. Uso din kasi magtext o tumawag diba. Hindi yung bigla bigla ka na lang mag a appear dito tapos ngayon may iheytyu ka pang nalalaman sapak you want." Sabi ko sa kanya kaya lang lalo lang niyang pinahaba ang nguso niya. Seriously? Anong nagustuhan ni Nami dito!. Oo tama po kayo ng nabasa mga kaibigan. Iniibig lang naman ng magaling kong bestfriend ang lalaki na ito sa hindi ko malamang dahilan. Naniniwala na talaga ako sa kasabihang 'birds with the same feathers flocks together'. Pareho silang baliw eh kaya bagay na bagay sila! No doubt.

"Waahhh hyung naman eh. Ako dapat ang magalit dito tapos binabaligtad mo yung sitwasyon. Nakakahiya kay Mir. Kinaladkad ko pa siya mula sa kuta niya papunta dito para ipatikim ang luto mo. Ipinagmamalaki ko pa naman na da best ang luto mo tapos pahiya ako ngayon. Bakit ang saklap ng buhay. I wanna die na." Napangiwi na lang ako habang pinapanood siyang magpapadyak padyak na parang nangingisay doon. Daig pa niya yung pinagsakluban ng langit at lupa. Sabagay mukhang gutom na nga siya. Saan ba nagsususuot tong lalaki na to at nagutom ng ganito.

"Argh fine magluluto na po senyorito." Inis na sabi ko bago pumunta sa fridge at kumuha ng ingredients. Kung di ko lang talaga tinuturing na kapatid itong si Maki matagal ko na siyang tinakwil sa mga kaibigan ko. Hayy that's life may mga tao talagang kinulang sa kasawiang palad.

Nakita ko pa siyang ngumiti abot hanggang tenga bago umupo sa stool malapit sa kalang. Kelan nga ba ako mananalo sayo Maki. "I want Kimchi Spagetti ah. Tsaka gusto ko din ng Korean Barbeque. Tsaka pala fried chicken. And mushroom soup. Padagdag na din ng mac and cheese, gusto ko hyung madaming madami yung cheese ah. Tsaka pala gusto ko din ng Ramyun yung may egg roll at dori roll. Tapos gawa mo na din ako ng black coffee pero palagyan ng konting asukal gaya ng dati. Thanks hyung." Sabi niya kaya naman kulang na lang isungalngal ko na sa kanya yung buong fridge. Taena makarequest akala mo binabayaran niya ako.

ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twinWhere stories live. Discover now