Final Chapter 2.0

1.2K 31 1
                                    

Final Chapter 2.0

(Janus POV)

×Earlier×

Para na akong mababaliw sa mga nangyayari sakin ngayon. Una galit sakin si Trace at bigla na lang siyang umalis. Gusto ko man siyang hanapin at kausapin ay hindi ko naman alam kung nasan siya. Pangalawa ay si Hyerin. Alam kong pumayag na akong pakasalan siya para na din kay Mom pero hindi naman niya ako pwedeng kontrolin kung ano ang dapat kong gawin. Hindi ba pwedeng hayaan niya kuna akong maging malaya habang di pa kami officially engaged. Lastly Dave is missing. Kanina pa namin siya tinatawagan pero hindi siya sumasagot. We tried to find him pero ang nakita lang namin ay yung phone niya na nasa lupa.

Dave is not the type of guy na hahayaang mawala ang phone niya. The most important thing for him is his phone since madami ang contacts niya dun about his president stuff. Pinagtanong tanong na din namin siya but no one confirm where he is. We also tried to ask Toxic pero hindi namin dinatnan si King and the others don't have any idea.

Kung ano anong scenarios na ang naiisip ko dahil sa biglaang pagkawala niya. Baka naabduct na siya ng alien at napagkamalan siyang kauri nila since mukhang pang alien ang suot niya ngayon. O di kaya naman ay baka na hit and run na siya ng malaking truck tapos kinain na ng mga wild animals ang bangkay niya. Nangilabot ako sa mga naisip ko. Pakiramdam ko ako na si Charlie na bigla na lang nagiging OA.

"Walang mangyayari satin kung tatanga tayo dito. Hindi naman biglang susulpot si Dave dito na parang kabute." sabi ni Ralvy habang kinakalikot ang buhok ni Troy. Napakunot ang noo ko pagkakita sa bubblegum na dinidikit niya sa buhok ni Troy.

"Maghiwalay na lang tayo. Let's search by pair." suggestion naman ni Charlie. Agad ko ng hinigit si Troy dahil delikado kung iiwan ko siya alin man sa dalawa na yun. Mas makakampanti ako kung di na madadagdagan pa ang problema namin.

"Kayong dalawa na ang magkasama tapos kami naman ni Troy. Just call me if something came up." sabi ko kaya agad naman napatango ang dalawa.

"Mauna na kayong maghanap maiiwan na muna kami dito. Hintayin na naming dumating si Trace baka magfreak out yun kapag walang dinatnan dito. Kami na din ang magpapaliwanag sa kanya about kay Dave." sabi ni Charlie kaya naman wala akong ibang nagawa kundi ang tumango. Gusto ko man na ako ang maghintay kay Trace ay di ko magawa dahil baka galit pa din siya sakin ngayon.

Aalis na dapat kami ni Troy nung bigla akong pinigilan ni Ralvy. Kinuha niya yung susi ng van at binigay sakin ang susi ng kotse ni Trace. Which is si Rei. May ngiting nakakaloko pa si Ralvy kaya naman parang nagdalawang isip ako kung gagamitin ko nga ba ang kotse na ito. Baka kapag nalaman ni Trace na ginamit ko ang sasakyan niya ay di na ako sikatan ng araw.

"Gusto mo talaga akong mapahamak eh no." bintang ko kay Ralvy pero tumawa lang siya na para bang sinasapian.

" Hehe mas okay na kung ikaw ang mapapahamak kesa kami diba? este maiintindihan naman ni Trace kung bakit ginamit mo si Rei emergency naman ito." paliwanag pa ni Ralvy kaya wala na akong nagawa kundi ang sundin siya, walang mangyayari samin kung pagtatalunan pa namin ang simpleng bagay na ito. Ang importante ngayon ay ang mahanap namin si Dave.

Pagpasok namin ni Troy kay Rei ay nagtaka ako dahil walang manibela ang kotse. Maski ang inaantok na si Troy ay nagising ang diwa dahil sa nakita. Iniisip ko na si Ralvy ang may kagagawan nito. Baka kung ano na naman ang naisip niyang kalikutin tapos nasira niya ito and worst baka kami pa ang mapagbinatangan.

"Welcome Master. Please fasten your seatbelt so you can be safe." Parehong nanlaki ang mata namin ni Troy dahil may bigla na lang nagsalita.

ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twinWhere stories live. Discover now