twenty one** Ambush

3K 77 3
                                    

(Tracey POV)

Tinanghali na ako ng gising dahil na din sa di ko alam kung anong oras na kami nakatulog ni Janvee kagabi. Yung kasing bata na yun ang harot. Tama bang makipagchismisan sakin ng dis oras na gabi. San ka nakakitang lalaki na mahilig magchismis. Di ko nga alam kung sinisiraan ba niya o pinupuri si Janus. Kawawang Janus napakabuti ng kapatid niya. Kinuwento na yata sakin ni Janvee kagabi ang talambuhay ng kuya niya. Kesyo si Janus daw inborn na yan na masungit at kulang na lang ng pandikit para maconnect ang mga kilay niya. Tapos nung bata daw sila lagi silang na aaway ni Janus kasi yung kuya niya trying hard sa kusina kaya laging may sunog sa bahay nila. Tapos daw nung bata sila tinulak siya ng kuya niya sa pool at muntik na siyang malunod dahil sa ayaw niyang tikman ang luto nito.

Tawa ako ng tawa sa mga kwento niya kagabi. Kung di pa siguro kami pinasok ni Dave kagabi baka di pa kami tumigil kakatawa. First time in my life na nakatawa ako ng ganun. Sobrang saya ko. And sarap pala sa feeling na nakakatawa ka kahit alam mong madaming problema yung dadating sayo. Atleast nagkaroon ka ng time na mapasaya ang sarili mo para maready ka sa mga problema na yun. I'm really thankful to Janvee kasi siya lang yung nakapagpatawa sakin ng ganun. And also thankful na din ako kay Janus kahit di niya alam kasi siya lang naman pinagtatawanan ko kagabi. Ang epic nga ni Janvee kasi kwento pa din siya ng kwento tungkol sa mga kapalpakan ni Janus. Lakas ng loob dahil di siya naririnig ng kuya niya.

Naabutan ko sila sa sala na nanonood ng spongebob squarepants. Si Charlie at Janvee nga lang yata ang nanonood kasi yung itsura nung tatlo nakasimangot. Hindi siguro nila type si spongebob at gusto nilang ilipat yung channel pero dahil na kay Janvee yung remote no choice sila. Si Troy naman sarap buhay lang. Kasalukuyan siyang naglalakad ng tulog. Haayy what's new. Kanina pa din niya binubunggo yung pinto. At ang mga napakabait kong kasama sa dorm hindi màn lang siya ginising o kaya naman ay inihiga sa isang sofa para di na magsleepwalk. Napakabait nila sobra!

At dahil maganda ang gising ko ako na ang nagkusang lumapit kay Troy. Nakakaawa na kasi. Baka pagkagising niya puro bukol na mukha niya. Kawawa naman. Hinila ko siya papunta sa kwarto niya sabay hagis sa kanya sa kama niya. Well that's end my sympathy for him. Sa lakas ng lagapak niya sa kama niya sigurado akong knock down yan.

Binalikan ko sa sala ang mga napakabait kong kadormmate. Nakakapagtaka nga lang kasi nandun din si Janus na halatadong iritado sa tawa ni Spongebob. Mukhang bad mood siya kasi wala siya sa kusina. Usually kasi magigising ako na nagluluto na siya kaya babatuhin ko na lang siya ng kutsara kapag may mali siya.

"Anong gusto niyong breakfast?" Nakangiting tanong ko.

"Omelette" sigaw ni Charlie.

"Cookies." Sigaw din ni Dave.

"Bacon and egg." Sabi ni Ralvy.

"Cornbeef." Sabi ni Janus habang nakasimangot pa din.

"Blueberry pancake." Nakangiting sigaw ni Janvee. Aww bakit di pa din ako sanay sa kacutan ni Kirby este Janvee.

"Okay blueberry pancake right up." Sabi ko sa kanila at pumunta na ng kusina.

"Tss bias." Narinig ko pang sabi ni Ralvy.

"Oo nga porke cute yung bata." Pagsang ayon sa kanya ni Charlie. Tingnan mo yung dalawa na yun magkasundo na naman.

Pagkatapos naming kumain sinabihan ko si Janvee na mag ayos na dahil na din sasamahan ko na siyang mamili sa College Square. Pero sa pagtataka ko paglabas ko ng kwarto ko lahat sila bihis na bihis. Asiwa nga lang yung damit ni Dave kasi naka light yellow na pants at polo siya. And sakit sa mata parang walking sun. Saan na naman kaya rarampa tong isa na ito.

"Oh nakabihis kayo? Lalabas kayo ng College?" Takang tanong ko sa kanila.

"Hindi bestfriend, sasama kami sa inyo." Nakangiting sabi ni Charlie.

ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twinWhere stories live. Discover now