Forty four** Who is Trace?

2.3K 61 11
                                    

Forty four** Who is Trace?

(Tracey POV)

Sa huling limang segundo bago sumabog ang bomba ay para bang tumigil ang pagtibok ng puso ko. Sa mga nabasa kong libro, ang slow motion ay mararamdaman mo kapag kaharap mo ang taong mahal mo. Pero bakit dalawa silang kaharap ko ngayon. Dalawa silang nakalahad ang kamay at hinihintay na lang nilang hawakan ko ang kamay nila para sabay naming takasan ang kamatayan. Pero ang tanong. Sino? Sino sa kanila ang pipiliin ko. Sino sa kanila ang sasamahan ko sa pagtakbo at paglisan sa lugar na ito. Wala na akong panahon para mag isip dahil ilang sandali na lang ay sasabog na ang lugar na ito at kapag nanatili pa kami dito ay pati kami masasama sa pagsabog.

Kasalukuyan akong nakikipagtalo sa isip ko kung kninong kamay ang hahawakan ko nang maramdaman ko na may humawak sa kamay ko sabay hila sakin palabas ng warehouse. Saktong paglabas namin ay ang malakas na pagsabog mula sa loob. Marahil kapag nahuli kami ng ilang sandali ay tostado at sabog sabog na ang katawana namin ngayon. I can't imagine na Red Blood Clan higher ranks ay mamamatay ng dahil lang sa pagsabog ng mga bomba. Mabuti na lang at nakalabas kami at mukha namang walang nasaktan ng malubha saming lahat.

Napatingin ako sa tao na nasa harapan ko ngayon na siyang kumuha ng kamay ko. Napangiti na lang ako ng wala sa oras dahil hindi ko akalain na ililigtas niya ako. Nakita ko siya kaninang nauunang tumakbo pero binalikan niya ako. Niligtas niya ako sa pagsabog pati na din sa pagpili doon sa dalawa. I'm really thankful that he's my cousin. I'm thankful that he saves me from confusion.

"Alam kong magandang moment yung nasa binggit ka ng kamatayan tapos hahawakan mo ang kamay ng prince charming mo pero taena kailangan kong sirain ang moment niyong tatlo dahil kung di ko gagawin yun tigok kayo pag nagkataon." Sabi ni Rence Oppa habang hinihingal pa. Napatawa tuloy ako. Kung alam lang niya. Kung alam lang niya ang katotohanan na hindi ako makapili sa dalawa. Naisip ko nga kanina na tumakbo na lang ng mag isa para di na ako mahirapan mamili pero di ko magawa dahil may kung ano sakin na gustong samahan ang isa sa kanila. Hindi ko na alam ang nangyayari sakin. Inaamin ko na medyo may konting crush ako kay Janus pero kay King? Hindi ko alam. There's something in me na gusto siyang makasama. Parang may nagtutulak sakin na mapalapit pa sa kanya.

"Thank you for saving me earlier." I said with a smile. He smiled back and ruffles my hair.

"I can't save you every time. So choose wisely arrachi?(understand)" he said and I nod. Alam kong dadating ang araw na kailangan kong mamili. Pero sa ngayon hahayaan ko na lang ang puso ko na magpasya. I can't fall in love. That's the assassin rule by my Mom. But that doesn't mean na I can't force myself not to fall. I can't make my heart stop at sa tingin ko ay kailangan ko munang ayusin ang gulo sa buhay at pagkatao ko bago ko isipin ang mga ganoong bagay.

Napatingin ako sa gilid ko at nakita ang hinihingal na si Janus siguro kung wala siya ay tostado na kami ngayon. Nakakabilib kasi talaga ang kaya niyang gawin. Minsan nga inaakala kong miyembro siya ng akyat bahay gang. Siguro sa past life niya magnanakaw siya. Natawa naman ako sa naisip ko na yun. Sa kabilang side ko naman ay nandun si King, hindi siya hinihingal pero mukhang nasa malalim siyang pag iisip. Hindi ko talaga ma explain ang nararamdaman ko kapag malapit lang siya sakin. Hindi ko din maipaliwanag kung bakit pareho kami ng mga techniques sa paghawak ng baril. Ang tanging alam ko lang ngayon ay napakamisteryoso ng pagkatao niya kaya parang may nagmamagnet sakin na kilalanin pa siya.

Natigil ako sa pag iisip dahil bigla na lang sumigaw si Charlie. Hindi naman ako nagugulat sa sigaw ni Charlie dahil sanay na ako sa ugali niya na bigla na lang sisigaw at parang nawawala sa sarili habang nag hy hysterical. Hindi siya si Charlie kung hindi ganun ang ugali niya. Nakanganga ka pa siya habang nakaturo sa isang direksyon na malapit sa sumabog na warehouse. Lahat kami napanganga pagkakita doon sa tinuturo niya. Yung van na ginamit nila kanina ay nadamay sa pagsabog ng warehouse. Ang layo pa naman ng lugar na ito sa kabihasnan kaya paano na kami, I mean paano na sila nyan?

ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twinWhere stories live. Discover now