Sixty one** betrayed part one

1.8K 40 7
                                    

Sixty one** betrayed part one

(Tracey POV)

Hanggang ngayon ay parang naririnig ko pa din ang mga katagang sinabi ni Janus sakin kagabi. Para bang kanina lang niya ito sinabi at sobrang fresh pa sa utak ko ang lahat. At first I thought that everything is a dream but then nakita ko yung jacket na suot ko. Pinahiram ito sakin ni Janus kagabi dahil matagal tagal din kaming nag stay sa rooftop. Matagal tagl din niyang hawak ang kamay ko na tila ba ayaw niyang bitawan. Matagal tagal din akong nagpipigil ng emosyon dahil kung hindi ako makapagpigil ay malamang nagtatalon na ako doon sa sobrang kilig.

It's been an hour simula ng magising ako pero hindi ko alam kung paano ako lalabas ng kwarto ko. Hindi ko na alam kung paanong pakikitungo ang gagawin ko kay Janus dahil sa nangyari kagabi. Paano kung mahalata kami ng iba. Paano kung malaman na nilang lahat ang sikreto ko. Natatakot ako sa mga maaaring mangyari sa huling apat na araw na stay ko dito sa dorm. I finally decided. Aalis ako hindi para magpakasal kundi para kausapin ang may kagagawan ng kasunduan na ito. Gusto kong maging Malaya and at the same time gusto ko ding maging Malaya si Frai. Lahat ng paraan na alam ko ay gagawin ko para lang maputol ang kasunduan. Hindi pa ako ganun kasigurado sa kalalabasan nito pero I hope na pumayag si Umma at Appa sa desisyon ko.

The moment that I finally gain my strength para lumabas ay siya namang pagbukas ng pinto ng kwarto ko. There standing beside the open door is Janus holding a tray of foods. Dahil sa pagkabukas ng pinto ng kwarto ko ay naririnig ko na ang sigawan ng apat na marahil ay nakikipagbuno na para sa almusal nila.

"Breakfast in bed." Janus said with a smile kaya nalipat sa kanya ang atensyon ko. Janus is really something. He is so unpredictable. May mga bagay siya na ginagawa para sakin na hindi ko akalain na gagawin niya.

Hindi ako makapagsalita dahil feeling ko ay shocked pa din ako sa gestures niya. I don't want to assume on things but then again Janus is giving me a hint of assurance.

"I figured out na hindi ka agad magigising dahil late na tayong nakatulog kagabi kaya naman dinala ko na dito ang breakfast mo. Although you need to eat fast dahil baka malate tayo." Sabi niya habang inaayos ang pagkain sa kama ko. Kung alam lang niya na halos di ako makatulog dahil sa ginawa niya kagabi. Kung alam lang niya na kanina pa ako mulat na mulat.

"Thank you sana di ka na nag abala pa." I said to him although I won't mind if he will give me breakfast in bed every day.

"Anything for you."sabi niya sabay gulo ng buhok ko. And there doon ko lang nareallize na hindi pa pala ako nakakapaghilamos at nakakapagsuklay. Shete nakita niya ang itsura ko na bagong gising. Nakakahiya!

--

The day went well. Maayos naman ang lahat sa school kaya naman it turns out to be just like every other day that instantly pass by. Just add the fact that Janus is so concerned to me. I want to push him away dahil baka may makahalata sa mga ginagawa niya but then ayaw ko din siyang paalisin dahil natutuwa ako sa simpleng care and gestures niya towards me. In the end I just let him buti na lang at walang nakakahalata sa mga ginagawa niya. Feeling ko tuloy isa akong grade school student na nagtatago ng crush sa nanay niya.

Gusto ko na sanang magpahinga at matulog na muna dahil ilang araw na akong pinupuyat ni Janus. Not literally pinupuyat but he is the one who kept on entering my mind the moment I close my eyes. It's just like my brain is programmed to see his face the moment I close my eyes.

But then mukhang may iba pang plano si janus para sa gabi na ito. before I even touch the door of my room, he held my hand and bring me to the stairs to the rooftop. Don't tell me manonood na naman kami ng stars while holding each other's hand. With that thought I feel my checks suddenly burns and right on that moment I know that I'm blushing.

ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twinDove le storie prendono vita. Scoprilo ora