thirty five** Trace's roommate

2.2K 61 3
                                    

Ceik's Note:

Before anything else gusto kong humingi ng despensa dahil ngayon lang ako nakapag ud dito. Full focus kasi ako sa hidden idendity dahil tinaningan ko ang sarili ko to finish revising/ editing it next week. So konting pasensiya muna sa paghihintay ng ud dito. Once na matapos ko yun magfofocus na ako ulit dito. Thankie.. Enjoy.

(Tracey POV)

Nakarating din kami sa hideout na siyang magiging base namin habang ginagawa ang imbestigasyon tungkol sa kaso. Alam kong hindi madali ang gagawin namin dahil kasangkot dito ang Black Hawk Clan, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa din mapigilan na hindi mainis dahil hindi pala talaga akin ang kaso na ito. Hindi ko naman magawang magalit kay Maki dahil alam kong may dahilan siya kung bakit niya pinasa sakin ang misyon na yun. Maybe dahil ayaw niyang mag stay at gusto niyang makasama sa Japan para makasama na din si Nami. Alam ko namang may something na nabubuo sa pagitan ng dalawa na yun. Hindi lang nila maamin sa isa't isa dahil yung isa torpe habang yung isa naman pa inosente. Naghihintayan sila sa wala. Hindi na ako magtataka kung pareho silang tatanda na single dahil sa katangahan nilang dalawa.

Pumasok kami sa bahay at dumiretso sa sala. Itong hideout kasi na ito ay maliit lang. Kung titingnan nga sa labas ay parang ordinaryong bahay lang ito. May anim na kwarto ito kaya kasya naman kami sa bahay na ito. Lalo na at hindi ko alam kung magtatagal ba kami dito o hindi. Ang alam ko lang ay gusto ko ng tapusin ang misyon na ito para maipagpatuloy ko na ang pag hahanap kay Frai. Malapit na ang debut ko at dapat nandoon siya dahil siya ang escort ko. Sa araw na din na yun kami ipapakila bilang Anak nila Umma at Appa. Ang alam kasi ng lahat ay ako lang ang anak nila tsaka si Timothy Oppa. Hanggang ngayon kasi ay tinatago pa din sa public si Frai. Kaya sa 18th Birthday namin doon irereveal na may kakambal ako. Base yun sa kaugalian ng Angkan nila Umma. Hindi nga lang noon naipakilala si Aunt Autumn dahil maaga itong binawian ng buhay.

"So dahil anim lang ang kwarto dito kailangan nating mag sharing. Tig dalawa bawat isa tapos yung isang room naman ay tatlo ang gagamit." Sabi ni Shenji habang nakatayo sa harap naming lahat. Sa totoo lang si Shenji talaga yung mukhang mabait sa kanilang lahat. Siya din yung approachable at kapag nagsasalita ay para bang laging good vibes. At isa pa, parang ang gaan ng loob ko sa kanya. Para bang kilala ko na siya before bago ko pa man makilala ang Toxic. Gwapo din siya at mukhang artistahin. Bagay sa kanya yung singkit niyang mata at matangos na ilong. Bunos na yung killer smile niya na laging nakapinta sa mukha niya.

"Basta ako ang kasama ni Bestfriend." Sigaw ni Charlie sabay taas pa ng kamay na akala o nagrerecite sa teacher niya.

"NO way ako ang kasama ni Trace sa room niya." Sabi naman ni Maki sabay glare kay Charlie "Ako kaya ang Bestfriend niya, diba hyung?"

"Ako ang leader niyo so dapat ako ang roommate ni Trace, besides sakin siya mas komportable among all of Shadow. Kaya ako ang dapat na roommate niya." Apela naman ni Janus with his famous poker face.

"Well I'm a leader too. So counted din ako kung yun lang ang pagbabatayan niyo." Sabi naman ni King sabay smirk kay Janus. Yung tipong nang aasar lang. Pero teka bakit ba pagiging karoom mate ko ang pinagtatalunan nila?

"I object. Ako dapat ang kasama sa room ni Trace dahil sanay na siyang matulog na katabi ako." Sabi naman ni Troy. Ehh? Gising pala siya?

"Ako dapat dahil ako ang nagsuggest ng pairing." Singit ni Shenji kaya naman napa glare sa kanya yung iba. Seriously ano ba talagang nangyayari? At bakit nila ginagawang big deal ang pagiging roommate ko?

"Wag na kayong magtalo. Ako naman talaga ang magiging roommate niya since ako ang pinakagwapo dito." Sabi ni Ralvy kaya bigla na lang nanahimik ang lahat. Akala mo may dumaan na anghel sa aming lahat. Parang slowmotion pa na napaharap sila kay Ralvy ng sabay sabay. Habang si Ralvy ay parang may ngiting tagumpay. Malakas na talaga ang tama ng taong to.

ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twinWhere stories live. Discover now