Final Chapter** part 1-the road to the last Battle

1.4K 31 3
                                    


Final Chapter** part 1-the road to the last Battle

Mabilis na umalis si Tracey sa hospital matapos niyang malaman ang lahat tungkol kay Hyerin. Hindi niya akalain na ang kalaban na matagal na nilang hinanahanap ay nasa paligid lang niya at sobrang lapit lang sa kanya. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya at paulit ulit sa kanyang utak ang kagustuhan na sana ay ligtas lang si Janus at ang iba. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may napahamak na kahit isa lang sa itinuring na niyang pamilya. Nanginginig ang kanyang mga tuhod habang nasa loob siya ng sasakyan ni Nami. Hindi siya magawang pakalmahin ni Nami dahil na din sa ito ang nagdadrive. Halos paliparin na ni Nami ang sasakyan sa sobrang tension na nararamdaman. Ngayon niya lang nakita si Tracey na ganito kaseryoso pero wala siyang kahit anong maisip tungkol sa kung ano ang sinabi dito ng kapatid nito.

"Nami, Just drive as fast as you can. Their lives are on our hands now." Seryosong sabi ni Tracey. Tumango si Nami at mas lalo pang pinag igihan ang pagmamaneho. Pilit niyang inaalis sa isip niya ang nakakatakot na mukha ng ina kapag nalaman nito na nagdrive siya na lagpas sa speed limit. Tiyak na ilang linggo din siyang grounded kapag nagkataon.

"Ano bang nangyari?" hindi mapigilang magtanong ni Nami kay Tracey dahil maging siya ay kinakabahan na.

"Oppa found out who really the spy is. None other than Hyerin." Maikling sagot ni Tracey na agad namang naintindihan ni Nami. Nabigla man siya sa nalaman ay nanatili siyang focus sa sitwasyon nila ngayon.

"Where are we heading then?" Sabi ni Nami habang mas binibilisan ang pagpapatakbo.

"My dorm." Nami nods her head. And mouthed "copy" habang seryoso sa pagdadrive.

(Tracey POV)

Mabilis akong bumaba sa sasakyan ni Nami pagkapark palang nito sa harap ng dorm. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. I need to talk to Janus. He needs to know the truth. He must know the truth right now. I can't believe that the enemy entered my territory without me knowing it. I can't think straight knowing that the spy is just a moment away from them. Kayang kaya silang patayin ni Hyerin in a snap since she is almost as strong and skillful like I am.

"Trace nakauwi ka na pala. We have a problem." Salubong sakin ni Charlie na mangiyak ngiyak na. Gusto ko sana siyang lagpasan dahil baka kung anong kalokohan lang ang sabihin niya but then he started cyring like there is no tomorrow.

"What it is ba? I'm on a hurry." I said trying to catch my breath to remain calm.

"Dave is nowhere to be found. Hindi pa siya bumabalik mula kaninang umaga. We tried calling Lorraine pero hindi daw sila magkasama. Hinanap na namin siya sa mga lugar na possible niyang puntahan but then it's negative. The only thing that we found is his phone on the ground. May kutob kami na may masamang nangyari sa kanya." Natigilan ako sa sinabi ni Charlie. Dave is missing. Imposibleng mangyari na hindi nila makita agad yun. Yung damit palang nun na kakaiba ang sense of fashion ay siguradong kita agad yun.

"Pati si Lora ay nag aalala na. gusto niya sanang pumunta dito kaya lang sinabihan na namin siya na kami na lang ang maghahanap dahil gabi na din at delikado. " sabi naman ni Ralvy habang nag aayos ng flashlight. Siguro ay maghahanap sila sa campus ngayong gabi.

"Nandyan ba si Janus?" I asked the both of them pero sabay silang umiling.

"Kasama niya si Troy. They are already searching. Hinintay ka lang namin to inform you. Let's go." Sabi pa ni Ralvy sabay higit kay Charlie.

"Wait. Let's go to where Hyerin is. Baka alam niya kung nasaan si Dave." I said. Sabay pang nangunot ang mga kilay nila. Kung hindi ko lang talaga kilala ang dalawang ito iisipin ko na kambal sila. Pati ba naman kilos nila kailangang sabay.

ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twinWhere stories live. Discover now