twelve** Travis and Claien?

3.1K 83 3
                                    

(Third Person POV)

Wala ng nagawa pa si Tracey nung pumasok si Janus sa hideout. Mabuti na lang at mukha itong ordinaryong bahay at nakatago sa basement nito ang lahat ng gamit ng mga assassin na gumagamit nito. Walang tao sa loob ng bahay. Wala ding nabanggit ang Umma niya kung may mga bagong assassin ba mula sa Clan nila ang tumutuloy dito. Malinis ang bahay dahil na din sa mga katulong na pinapadala dito ng Umma niya na regular na naglilinis upang mapanatili a g kalinisan at kaayusan ng bahay niya.

Dire diretso si Janus na pumunta sa sala ng bahay at umupo sa sofa nito habang si Tracey naman ay kanina pa ito gustong paalisin. Kailangan na niyang pumunta sa likod ng hideout dahil kanina pa naghihintay doon ang Uncle Sky niya para ihatid siya sa Korea. Siguradong magtatalo sila ng Umma niya kapag hindi siya agad nakadating doon dahil mukhang urgent ang pagpapapunta sa kanya doon. Lalo na ngayon na wala doon ang Appa niya dahil na din sa may inaasikaso ito sa business nila sa Europe. Wala siyang kakampi kapag nagkataon.

"Janus naman kasi lumayas kana parang awa mo na. Kailangan ko na talagang umalis." Hindi mapakaling sabi ni Tracey na kanina pa palakad lakad sa harap nito.

"Aalis ka eh nandito na nga tayo. Diba dito ka naman talaga pupunta?" Tanong sa kanya ni Janus na hanggang ngayon ay nakaupo pa din sa sofa.

"Nandito lang ako dahil nandito ang sasakyan ko paalis. Kaya nga kailangan mo ng umalis kasi kanina pa ako hinihintay ng sundo ko." Paliwanag ni Tracey pero sadyang ayaw pa ding tumayo ni Janus. Napamahal na sa kanya ang sofa at ayaw niyang iwan. Kanina pa niya gustong talunan ang sofa sa lambot nito pero pinipigilan niya ang sarili niya dahil na din sa nasa harap niya si Tracey.

"Edi umalis kana. Aalis na din ako kapag nakapagpahinga ako. Maawa ka naman sakin ang layo ng nilakbay natin papunta dito tapos papalayasin mo na lang ako ng ganun ganun na lang." Himutok ni Janus na siya namang dahilan ng pagkakonsensiya ni Tracey.

"Aist okay. I let you stay here for a while wag ka lang gagalaw ng kung ano anong gamit dito. And please lang wag kang pupunta kung saang saang sulok dito. May pagkain doon sa fridge kung gutom or uhaw ko kumuha ka lang. Feel at home serve yourself tutal feel na feel mo naman ang bahay namin eh." Sabi ni Tracey sabay walk out papunta sa parking ng private plane na gagamitin niya.

Nakatayo doon ang Uncle Sky niya habang hinihintay ang pagdating niya pero kumunot ang noo nito pagkakita sa kanya. Tila ba may mali sa kanya.

"Tracey what are you wearing?" Sabi ni Sky kay Tracey noong makalapit sa kanya ang dalaga.

"Uhm clothes i guess?" Tracey said clueless.

"Let me guess. Hindi sinabi ni Winter sayo ang purpose ng pagpunta mo sa Korea ngayon aren't she?" Sabi ni Sky kaya naman napatango si Tracey.

"You need to be there as a girl. They need Tracey not Trace. So you better change." Sky command her making her eyes widen.

"But why? And i can change once we get there Uncle, it's no biggie." Tracey said still confused.

"Aist you need to change right now. We'll be heading to your Aunt Iki's boutique." He said making her eyes widen. Kailangan nga niyang maging babae ulit kung doon ang punta nila. Kilala siya ng mga employees doon at hindi siya pwedeng makita ng mga ito na nakaayos bilang lalaki. Malaking gulo ito kapag nagkataon.

"What should i do Uncle? I can't go back inside. Nandyan sa loob yung isa sa mga subject ko at hindi niya ako pwedeng makita bilang babae." Sabi ni Tracey na tila ba hindi na alam kung ano ang gagawin niya.

"What? Bakit ka nagpapasok ng iba sa hideout." This time si Sky naman ang nanlaki ang mata. Tiyak siyang magagalit si Winter kapag nalaman nito ang ginawa ng anak.

ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twinUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum