Forty two** The Party... or Trap?

2K 53 5
                                    

Forty three** The Party... or Trap?

(Tracey POV)

I tried to breath in and out to release the tension building up inside my body right now. Kanina pa kami nakasakay sa kotse ni King papunta sa location ng meeting de avance ng mga kalaban pero hanggang ngayon ay hindi pa din kami nakakarating doon sa venue. Ano pa nga bang ieexpect ko? It's BHC by the way. Alam kong mahigpit ang security nila doon ngayon at hindi sa basta bastang lugar nila iyon ilalagay. Tahimik lang din kaming apat sa loob ng kotse. I can feel King and Janus glaring at each other which is weird dahil sa pagkakaalam ko ay dating mag bestfriend ang mga yan. King is the one who's driving habang nasa shotgun seat naman si Janus. Nami and I are both in the back pero hindi ko din makakausap ng matino si Nami dahil ang focus niya ngayon ay nasa phone niya. Alam ko namang si Maki na naman ang kalandian nyan, hay bakit kasi di na lang sila mag aminan ng feelings nila sa isa't isa hindi yung pa MU MU lang sila. Malanding Ugnayan.

Hindi ko alam kung bakit ako tense na tense. Hindi naman ito ang unang beses kong makipaglaban pero ito ang unang patayan na mission ko. Ayaw kong pumalpak dahil baka hindi na maulit ulit ito at I-isolate na naman ako nila Umma sa bahay. Sawa na ako sa pagiging bilanggo ng bahay namin. This life is what I want. I want to have my own freedom na ipinagkakait sakin ng mga magulang ko. Even si Appa na sobrang kaclose ko ay hindi ako basta basta pinapayagang lumabas ng bahay unless kasama ko si Maki or Nami kung minsan naman ay si Frai ang kasama ko. Hindi ko naman alam kung bakit ganun ang trato nila sakin. They treat me as a precious vase na konting hawak mo lang ay mababasag na. At ayaw ko yun. Kaya kahit ayaw ko ang fact na nagpapanggap akong lalaki ay parang nagugustuhan ko na din dahil nakamit ko ang gusto ko dahil sa pagpapanggap na ito. Ang kalayaan ko. Ang nag iisang bagay sa mundo na hindi ko makuha. Anong sense na nakukuha mo ang lahat ng magustuhan mo kung ang kalayaan mo naman ay hawak ng mga magulang mo without any valid reason.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. I don't know where we are right now. I don't have any idea kung anong lugar ang binabagtas namin. All I knew is nasa may part kami ng forest like place, dahil puro puno lang ang nadadaanan namin. There is no trace ng kahit anong bahay or building sa lugar na ito. Wala kang bakas kung may mga tao bang namumuhay dito. Malapit ko na ngang isipin na naliligaw kami at hindi talaga alam ni King ang way kung di lang dahil kina Charlie at Ralvy na nagraradyo sa ear piece na suot ni Nami. Yung dalawa ang nag gu-guide ng way namin papunta sa location. Noong una nga hindi ko alam kung mapapagkatiwalaan ba yung dalawa na yun kundi lang nila pinakita yung ID nila as Secret Agent. Mukha kasing puro kalokohan lang ang alam ng dalawa at hindi katiwa tiwala ang mga itsura nila.

Ang usapan namin kanina ay pagkadating namin sa venue ay siya namang pag alis nila sa hideout. Hindi kasi kami pwedeng magsabay sabay dahil baka makahalata ang mga kalaban at matunugan nila ang gagawin naming mission. All we need to do right now ay hanapin ang mga leaders ng Black Hawk Clan at patayin sila to end up everything. Yun nga lang mukhang kailangan muna naming dumaan sa mga alagad nila bago sila mapatay kaya matagal tagal na laban ang inaasahan naming mangyari. Nataon pa na nalaman namin mula kay Rhelmd unnie na kabilang pala kaming lahat sa target list ng Clan na yun. Kaya sigurado ako na kapag may nakakilala samin ay gagawin nila ang lahat para lang mapatay kami. Well kung kaya nila.

After few hours of waiting sa wakas ay nakarating din kami sa venue. It's a huge storage building in the middle of the forest. Sa labas nito ay madaming mga nakatayong bantay na may hawak na kung ano anong weapon. This mission is a suicidal indeed dahil sa ngayon trap kaming apat sa libo libong assassin ng Clan na ito. That thought makes me feel excited. Ilan kaya ang matitira sa mga taong nasa loob. Or should I say na may matitira pa kaya kapag inumpisahan na namin ang dapat naming gawin.

Mabilis kaming nakapasok sa loob dahil na din sa mga invitation na hawak namin. Sa tulong din ng mask na suot namin ay walang nakakakilala kung sino ba kami. Gaya ng plano ay agad ng humiwalay samin sila Nami at Janus dahil we need to do this mission quick bago pa may makaalam na mga outsiders kaming apat. Ang sabi naman sakin ni Rence ay papunta na sila so we need to wait for three to four hours bago sila makadating dito. Siguro naman ay sapat na ang time na yun para mahanap ang dapat naming hanapin.

ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twinWhere stories live. Discover now