twenty six** the reasons..

2.7K 80 1
                                    

(King POV)

"Hyung di ka ba talaga sasama?" Tanong sakin ni Mir na kanina pa atat pumunta sa Japan. Kulang na nga lang yata eh buhatin na niya lahat ng mga kasama namin sa dorm para maitakbo sa Airport.

"Tanga ka ba Mir kaya ng di siya sasama para makasama si Noona tas tatanong mo pa." Sabi ni Maki na kakalabas lang sa kwarto niya. Mukhang kakagising lang niya. Sabagay 5am palang 7 pa yung oras ng flight nila di naman siguro sila malalate dahil malapit lang dito yung private airport ng mga Hamilton.

"Alam ko yun naniniguro lang. Tsaka hoy maligo kana nga malalate na tayo sa flight natin kukupad kupad ka pa." Sigaw ni Mir sabay panlalaki ng mata. Ngayon lang ata niya narealize na di pa nakaayos si Maki.

"Ang OA mo Mir ha. Sila Shenji hyung at Rui hyung nga naghihilik pa sa mga kwarto nila. Tsaka kahit naman malate tayo dun di aalis yung  piloto ng wala tayo." Walang ganang sabi ni Maki sabay diretso sa kusina. Pupuntahan niya siguro si Lyndon na nagluluto ng almusal namin.

"No this can't be. Waahhh hyung gumising na kayo aalis na tayo. Mga tulog mantika talaga kayo. Bumangon na kayo dyan aigoo." Narinig kong sigaw ni Mir kasunod ang mga kalabog. Hayy kelan ba matatahimik ang dorm na ito sa kanila. Mabuti na lang at nakahiwalay kami ng dorm kundi baka nagreklamo na yung ibang studyante na araw araw nabubulabog sa sigaw ni Mir. Manang mana talaga siya kay Aunt Min Wei.

Lumabas na muna ako ng dorm para na din mabigyan silang time mag ingay. Hiyang hiya na kasi sa kanila yung tenga ko, sasabog na anytime! Hindi ko pala nasabi na sa likod ng dorm namin ay mayroong mini forest like park. Isang green park na may iba't ibang klaseng puno. Dito pinuwesto ang dorm namin para na din mabantayan ang park na ito mula sa ibang studyante. May mga puno kasi na nakatamin dito na yung bunga pwedeng gawing lason o di kaya naman ay pampamanhid ng katawan. Meron din namang mga bunga ng puno na pwedeng panlunas sa mga sugat at sakit. Kaya ganun na lang namin ito bantayan. Ang green park na ito ay parang ang arena Battle field. Kung saan ang purpose ng Toxic ay bantayan at panatilihing maayos ang dalawang yun.

Malapit na ako sa gitna ng park nung parang may naramdaman akong nakamasid sakin. It's a assassin instinct na kaya kong malaman kung may tao sa paligid ko. Wala akong dalang armas pero kaya kong labanan kung sino man ang pangahas na pumasok sa pinagbabawal na lugar na ito.

Huminto ako sa gitna ng park at tinantya ang pwesto niya. Dali dali akong tumakbo papunta sa pwesto niya at sinunggaban ko ang leeg niya. Batas sa school na ito na ang sino mang pumasok sa park na ito maliban samin ay papatayin. Kaya kahit sino man itong pangahas na ito kailangan ko siyang patayin lalo na kung wala siyang permiso para pumasok sa lugar na ito.

ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon