fourteen ** Rank 8-Spectre

2.8K 76 0
                                    

Note:clue ahead

(Tracey POV)

What the hell is this. Matagal na akong assassin pero ito ang unang beses kong makakita ng ganitong klaseng lugar. Nakakakilabot. The whole arena is really huge. May mga bleachers each corner of it kung saan nandoon ang mga nanonood. Kasalukuyan akong nakatayo sa harap ng center. Nandito ako sa isang bleacher kung saan may nakaharang na malalaking bakal. Ito na siguro ang hangganan at kapag lumagpas ka dito ibig sabihin pupunta kana sa mismong center kung saan nagaganap ang laban. Ang center ay pinalilibutan ng isang uri ng bulletproof na salamin. Marahil ay para maiwasan ang pag atake mula sa labas ng center. May mga barbwire din sa paikot nito.

Nafocus ang mga mata ko sa mga tao sa loob. What the F*ck. Halatang nanghihina na sila Janus at ang iba pa. Samantalang ang mga kalaban ay nakatayo pa habang may hawak na mga armas. Mayroong may hawak ng bakal, kadena, katana, tubo, dagger, shuriken, baril at iba iba pang mga armas. Halatadong pinaghandaan nila ito samantalang walang dala na kahit anong armas ang mga kasama ko. Tinalunan ko ang bakod na bakal para makapunta sa pintuan ng center. Huh ang dadaya nila. Pwes ngayon bibigyan ko sila ng laban na hindi nila malilimutan sa tanang buhay nila.

end**

(Third Person POV)

**Earlier **

"Waaaahhhhh. Huhuhuhu. Bestttfffrrrriennnndd." Ngawa ni Charlie habang hinihila siya ni Dave palayo sa pintuan ng kwarto ni Tracey. Kanina pa siya nag ngangangawa dahil ngayon niya lang nalaman na wala pala si Tracey sa dorm nila. Hindi na niya ito nakita mula noong lumabas ito kasama ni Janus kanina sa klase nila. Ang akala niya ay nasuspend lang ang dalawa kaya nagmadali siyang nag ayang umuwi para makita kung nasa dorm ba ang dalawa. Pero pagdating nila doon wala silang taong nadatnan. Kakahintay niya sa pagdating ng dalawa hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya at pagkagising niya si Janus lang ang naabutan niya sa kusina. Nagluluto ito ng hapunan nilang lahat at walang Trace na nakabantay dito habang nagluluto ito.

Sinubukan niyang katukin ang pinto ng kwarto nito sa pag aakalang nandun ito pero tila ba nanghina siya nung sinabi ni Janus na wala ito at hindi alam kung kelan makakabalik. Nagsimula na itong magwala at pilit na binubukas ang kwarto ni Tracey para malaman niya kung wala ba ang mga gamit nito doon sa loob. Wala ng ibang nagawa si Dave kundi ang kaladkarin ito palayo sa pinto dahil anu mang oras ay magigiba na ito at siguradong riot kapag dumating si Trace at makitang sira ang pinto ng kwarto nito.

"Charlie uuwi din naman siya. Hindi mo ba naintindihan ang sinabi ni Janus. Pinatawag siya ng Nanay niya. At malamang bukas o sa makalawa na ang uwi nun." Pilit na paliwanag ni Dave habang kinakaladkad pa din ang nagwawalang si Charlie.

Sa kabilang banda si Troy naman ay natutulog lang sa may sala ng dorm nila. Kahit anong ingay ni Charlie ay hindi pa din ito nagpapigil sa pagtulog. Habang si Ralvy naman ay may hawak na cellphone at vinivideohan sila Charlie at Dave. Ipapakita niya ito kay Trace pagdating nito at inaabangan na niya ang resulta ng ginawa ni Charlie. Natatawa siyang isipin yung galit na galit na mukha ni Trace. Hindi niya alam kung bakit pero gustong gusto niyang nakikitang galit si Trace. Namamangha kung paano ang isang cold na lalaki ay bigla bigla na lang mag eevolve sa pagiging nakakatakot na tao.

Si Janus naman ay nasa may kusina at balik sa dati na naman siya. Pilit niyang inaalala ang tinuro sa kanya ni Trace pero parang namental block siya. Nasanay kasi siya na babatuhin siya ni Trace ng kutsara kapag nagkamali siya kaya ngayon hindi niya alam kung tama ba o mali ang ginagawa niya sa pagluluto.

"Wala pa mang isang linggo dito sa bahay si Trace pero kapag wala siya parang malaking kawalan na." Nakasimangot na sabi ni Dave habang palipat lipat ang tingin kay Janus at Charlie.

ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twinWhere stories live. Discover now