Fifty five** battle of the heart

1.6K 30 6
                                    


Fifty five** battle of the heart

Pasulyap sulyap si Tracey sa lalakig kasama niya ngayon sa kusina. Hindi niya mawari pero napakagaan ng pakiramdam niya sa tuwing kasama niya ito. Pero pilit pa din niyang pinaglalabanan ang namumuong damdamin para dito dahil mayroon na siyang nobyo. Alam niya sa sarili niya na mahal niya si Ayen pero mas matimbang pa din sa kanya ang mumunting damdamin na nararamdaman para kay Janus kaya naman lalo siyang naguguluhan.

Hindi batid ni Janus na kanina pa siya pinagmamasdan ni Tracey. Masyadong nakatuon ang atensyon niya sa pagbabake kaya hindi na niya ito napapansin pa. Natutuwa siya dahil kasama niya ang taong mahal niya. Yung walang hadlang. Walang sagabal na makasama ito.

Lingid sa kaalaman ng dalawa ay may isang pares ng mata na kanina pa nagmamasid sa kanila. May mapait na ngiti ang taong ito sa kanyang mga labi dahil alam niya sa sarili niya na mali ang nararamdaman niya para sa kaibigan pero hindi niya maiwasan. Gusto man niyang pumasok sa kusina para makasama din ang taong mahal niya pero pinigilan niya ang sarili niya. "Lalaki ka Charlie at lalaki din si Trace. Hindi ka maaaring magkagusto sa kanya. Bestfriend ang tingin niya sayo at wala ng mas hihigit pa doon." Paulit ulit niyang sinasabi sa sarili pero ayaw pa din mawaglit sa puso niya ang sakit dahil alam niya na hindi siya magagawang mahalin ng taong una niyang minahal. Magmamahal na nga lang siya ay sa maling tao pa napunta.

Matapos magbake ng sampung cake ay naisipan na nila Janus at Trace na tumigil dahil na din sa pagod minabuti na lang nila na tumulong sa mga kaibigan na kasalukuyang nagtitinda sa stall nila. Mas dinagsa ang Cake nila ngayon dahil sa masarap na lasa nito. Hindi tulad ng kanina na tila nakamamatay kapag nakain mo ito. Proud na napangiti si Janus sa sarili dahil sa wakas nakagawa na din siya ng cake na hindi sunog.

Napatulala si Tracey sa nakangiting si Janus, tila ba wala na naman siya sa sarili. Gustuhin man niyang ialis ang tingin dito ay hindi niya magawa. Mayroon masarap na pakiramdam ang pagbilis ng tibok ng puso niya sa tanawing nakikita. Ito ang tagpo na naabutan ni King Claien/ Ayen. Napatiim bagang siya habang nakatingin kay Tracey na nakatingin naman kay Janus."Hindi maari ito. " sabi niya sa sarili at naikuyom ang mga kamao. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang isang tao na kailanman ay hindi niya inakalang tatawagan niya.

"Hello, pumapayag na ako." Sabi niya at umalis na sa lugar na iyon. Naiinis siya dahil naalala nga siya ni Tracey pero hindi na ito katulad ng dati. Nahuhulog na ito sa iba at hindi niya hahayaang mangyari ito. Kahit gumawa man siya ng isang bagay na alam niyang pagsisisihan niya sa huli ay wala na siyang pakialam. Ang mahalaga sa kanya ngayon ay si Tracey. 10 days. All he need to do is stay Tracey away from Janus for 10 days at sigurado na siya na hindi na ito mawawala pa sa kanya.

Sa kabilang banda tuwang tuwa naman ang tao na tinawagan ni King, alam niya nadadating ang araw na ito at ito lang ang hinihintay niya para maisagawa ang plano niya. Mapapasakanya ang lalaking mahal at maalis niya sa landas niya ang dalawang tao na kinasusuklaman niya. Makakapaghiganti na siya sa mga taong pumatay sa mga magulang niya. Makakapaghiganti na siya sa mga hirap na naranasan niya.

--

Natapos ang maghapon na yun at naging maganda ang business ng stall ng Shadow. Madami dami na ang kinita nila sa unang araw palang kaya malaki ang chance na sila ang manalo sa naturang festival.

"Oppa." Sigaw ng isang babae na tumatakbo papunta sa stall nila. Maging ang mga costumer ay napatigin dito.

"Nami anong ginagawa mo dito?" takang tanong ni Tracey sa kaibigan dahil ang alam niya ay nasa mission ito. Napatingin siya sa mga babaeng kasunod nito at halos manlaki ang mata niya nung makita ang kakambal na nakabihis babae pa din. May kasama itong dalawang babae na ngayon lang niya nakita at hindi niya kilala. Hindi tuloy siya mapakali dahil baka ang mga ito ang dahilan ng pagkabuking niya.

ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twinWhere stories live. Discover now