Fifty nine**the start of change

1.5K 32 0
                                    


Fifty nine**the start of change

Nagising si Tracey na masakit ang ulo niya. Hanggang ngayon ay hindi pa din niya kayang paniwalaan ang mga alaala na bigla na lang bumalik sa memorya niya. Gusto niyang tanungin ang mga tao na nakakaalam ng pagkatao niya ngunit hindi na niya alam kung kaya pa ba niyang pagkatiwalaan ang mga ito. Lalong lalo na ang kakambal niya. Naalala na niya ang mission niya kung bakit siya nagpanggap na isang lalaki. Naalala na niya ang dahilan kung bakit siya naroon sa lugar na iyon. Ngunit hindi pa din malinaw sa kanya ang lahat. Bakit kailangang magsinungaling sa kanya ni Travis. Pakiramdam niya tuloy ay niloloko siya at pinaglalaruan ng mga taong nasa paligid niya.

Sa pagbangon niya ay may nahagip angkanyang mga mata. Wala ito sa sidetable niya kaninang pumasok siya sa kwaro niya. Tiningnan niya ang orasan at higit sa isang oras lang siyang nawalan ng malay. Agad niyang itinago ang camera at ang bagay na iyon sa ilalim ng kanyang unan at dali daling lumabas ng kanyang kwarto.

"Sino sa inyo ang pumasok sa kwarto ko habanag natutulog ako?" sigaw niya kaya naman napahinto ang lahat sa kanilang ginagawa. Nanlaki na lang ang mata ni Tracey pagkakita sa kung ano ang nangyayari sa kanyang mga kasama. Kasalukuyang nakatali si Troy si may upuan habang may nakakabit sa mata nito na parng clip para mapanatili itong nakadilat. Si Charlie naman ay may busal ng medyas sa bibig at nakatali ang dalawang kamay at dalawang paa. Gumagapang ito sa sahig na parang uod. Si Dave naman ay nakahang sa dingding at para bang nakabatman costume kung saan ang kappa niya ay siyang naging sabitan niya sa dingding at may tape ang kanyang bibig. Habang si Ralvy naman ay prenteng prente na nakaupo sa may sofa habang umiinom ng tea. Sa amoy ng sala ay masasabi mong raspberry tea ang iniinom nito. May malaki siyang ngiti habang nakatingin kay Tracey.

"Surprise!" masaya pang sabi nito na para bang wala man lang kalokohan na ginawa.

"Anong nangyari sa kanila? Anong ginawa mo sa kanila?" di makapaniwalang sabi ni Tracey na awang awa sa sinapit ng tatlo. Saglit na nawala sa isip niya ang dahilan kung bakit siya lumabas ng kwarto dahil sa eksenang nadatnan.

"Ang sabi kasi ni Janus kanina bago siya umalis ay wag ka daw naming guluhin sa kwarto mo kaya lang ayaw nilang magpaawat kaya gumawa ako ng paraan para mapatahimik sila. Ayos ba Trace? Hehe wag ka ng mag thank you, it's my pleasure to give you peace lalo na dinidibdib mo pa ang pagkatalo natin." Tuwang tuwa pa na sabi ni Ralvy kaya naman napaface palm na lang si Tracey.

"Pakawalan mo na sila Ralvy. Wala ding matinong pupuntahan ang ginawa mo. Ngayon sabihin mo sakin kung sino ang pumasok sa kwarto ko habng tulog ako." Sabi ni Tracey habang papunta sa may mga sofa ng bigla na lang parang may humila sa paa niya at ang sunod na nangyari ay hindi niya inaasahan. Nakita na lang niya ang sarili niya na nakabiti sa kisame. May lubid na nakapulupot sa paa niya na nanging dahilan kaya siya nabitin.

"RALVY!" inis na sigaw niya kay Ralvy dahil pati siya nabiktima ng kalokohan nito.

"Hehe naklimutan ko palang tanggalin yung trap ko para ay Troy." Natatawang sabi nito sabay peace sign pa.

Tinulungan na bumaba ni Ralvy si Tracey at maging si Dave. Tinanggal na din niya ang tali sa kamay at paa ni Charlie at ag maktali sa katawan ni Troy. Lahat sila ay naupo sa may sala habang matalim ang tingin ng tatlo sa nakangiting si Ralvy. Napailing na lang si Tracey dahil para bang araw araw na lang ay may ginagawang kalokohan si Ralvy at palala ito ng palala.

"Ngayon sagutin niyo ang tanong ko. Sino sa inyo ang pumasok sa kwarto ko kanina habang tulog ako?" seryosong sabi ni Tracey kaya naman nagtinginan ang apat. Lahat sila ay sabay sabay na umiling.

ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twinWhere stories live. Discover now