ten** Lorraine

3K 86 2
                                    

(Tracey POV)

Hindi pa din ako makapaniwala sa mga sinabi sakin ni Janus kagabi. Kung hindi sila lumalabas ng dorm nila how come na nakita ko sila. And that guy with a brown hair. Bakit niya ako kinausap kung hindi siya nakikipag usap kung kani kanino lang. Should i treat him like an enemy. Pero kung kaaway nga siya bakit hindi pa niya ako binubuko na babae ako o kaya naman e bakit di man lang niya ako binlackmail about sa nalalaman niya.

Pagbaba namin sa van ganun pa din ang paligid. May mga babaeng nakapaligid sa gate na ready to attack na. Mas dumami pa nga sila ngayon dahil na din siguro sa pagkapanalo namin kahapon. Rank 4 na kami ngayon. At mas marami na ang humahanga at nasusuklam sa amin.

Aminin ko man o hindi alam kong madami ng nagtatangka sa buhay namin dahil sa rank namin ngayon. Alam ko din na sooner or later makakaharap na din namin ang rank 1. Makakaharap ko na siya ulit.

Habang papasok sa gate nararamdaman ko na naman yung feeling ng may nagmamasid sakin. And I'm sure siya ang nagmamasid sa akin. Siya na din mismo ang nagsabi na lagi niya akong titingnan at siguro pag aaralan pati kilos ko.

Hinihila na lang din ako ni Charlie gaya ng ginagawa ni Ralvy kay Troy. Habang si Dave at Janus ayun feeling model sa paglalakad. Kasalanan ko bang hindi ako makatulog dahil sa lalaking yun. Mukha tuloy akong Zombie ngayong umaga. Ayaw ko na sanang pumasok kaya lang binuhat na naman ako ni Janus at hinagis sa Banyo. Oo hinagis niya ako. Ang sakit nga ng balakang ko. Mga walangyang yan nilock ko na nga ang kwarto ko nakapasok pa din ang mga putek. Idagdag mo pa si Troy na nagsleepwalk na naman papuntang kama ko. Tuloy di ako gaanong nakatulog kakasipa sa kanya paalis ng kama ko. Kaya lang ang putek napakapersistent. Kada sipa ko babalik ulit sa kama na parang walang nangyari. Bakit kaya hindi niya itry na sa ibang kwarto mambulabog. Inaraw araw na kasi niya sa kwarto ko eh.

"Oppa..." Nagising ang diwa ko pagkarinig sa matinis na boses na yun. Sh*t di ako pwedeng magkamali. Taena si Nami yun. Nagpanggap akong tulog dahil hinihila na lang din naman ako ni Charlie. Mabuti na lang kahit paano may pakinabang itong isa na ito. Baka kasi imagination ko lang yun. Tama Tracey imagination mo lang ya.

"Trace Oppa." Sigaw niya ulit. Ngayon di na ako pwedeng magkamali. Siya nga yun.

Naramdaman ko na lang na may dalawang kamay na pumulupot sa mga kamay ko. Habang hinihila ako. Kalma Tracey kunwari tulog ka. Tama wag kang gagalaw.

"Oppa alam kong gising ka. " sabi niya kaya naman napadilat ako ng mata ko. Great nasa amin na ang atensyon nilang lahat.

"Nami anong ginagawa mo dito. Pumasok kana nga sa department mo. Dapat sayo nag aaral. Wag ka ngang magsayang ng tuition." Sabi ko sa kanya pero siya lalo pang hinigpitan ang yakap sakin.

"Ehhh Oppa naman. Di mo man lang namissang bestfriend mo." Sabi niya sabay pout.

"Oo na namiss kita." Sabi ko sabay hug sa kanya. "Oh sige na shoo. Alis na. May klase pa ako." Sabi ko sabay taboy sa kanya. Naglakad ako ng mabilis. This time ako na ang nanghihila kay Charlie. Tae naman eh.

"Yaahhh Trace Fier Jansen Madrigal. Bumalik ka dito or else sasabihin ko sa lahat ang sikreto mo." Sigaw niya kaya naman nanlaki ang mata ko. Mabilis akong bumalik sa kinakatayuan nila habang kinakaladkad si Charlie. Napansin kong sumunod samin yung apat. Great just great patay ka sakin mamaya.

"Ito naman hindi mabiro haha. Ano bang gusto mo? Magshopping? Mamaya after school sige samahan kita." Nakangiti kong sabi. More like pilit na ngiti. Tangna Nami patay ka talaga sakin mamaya. Nakita ko pa siyang napasmirk. Putek oh alam niyang di ako makakatangi dahil baka ikalat niyang babae ako. Aist Nami!

"Actually hindi naman kita yayayain na magshopping pero dahil na din sa sinabi mo yan. Sige ba. Mamayang 5pm sharp kita tayo sa town square. And kaya pala kita tinawag dahil ipapakilala kita sa kaibigan ko." Sabi niya.

"Trace this is Lorraine. Lorraine this is Trace Oppa." Sabi niya sabay pakilala dun sa babae na kanina pa nakatulala sa mukha ko.

"Hi nice to meet you." Sabi ko pero siya tulala pa din. Ehh anong nangyari.

"Huy. Lorraine libre huminga at kumirap." Sabi ni Nami kaya naman napatawa ako. Tae. Don't tell me natulala siya sa kagwapuhan ko. Pwahahaha tae baka magpatiwakal ito pag sinabi kong babae ako.

"I-ikaw yun." Tanging nasabi niya sakin.

"Oo ako si Trace." Sabi ko. Nagulat na lang ako nung bigla niya akong niyakap. What the F*ck! Anong nasinghot ng babaeng ito.

Hinila siya ni Janus at ni Charlie palayo sakin pero tae. Consistent ang babaeng ito at nagpupumilit pa din makalapit sakin. Jusko magkakaphobia yata ako sa mga babae dito sa College na ito.

"Teka di mo ba ako naaalala. Ako yung babaeng niligtas mo dun sa kidnapper nung isang araw." Sabi niya kaya naman napatigil din ako. Ah kaya pala parang pamilyar yung mukha niya sakin.

"Ohh ikaw pala yun. Mabuti naman at ayos kana. Next time wag ka ng magpapakidnap ah." Sabi ko sabay talikod at naglakad na ulit papunta sa gate.

"Mr. Savior salamat ha. Gagawin ko lahat ng gusto mo makabawi lang ako sa kabutihan mo sakin. Maraming salamat talaga." Sabi niya sakin kaya naman tinaas ko na lang ang kamay ko at kumaway.

end**

(Charlie POV)

"HOY Charlie tara na. Malalate na tayo." Sigaw sakin ni Ralvy kaya naman napabalik ako sa sarili ko. Tae ano ba ito.

Napahawak ako sa dibdib ko na hanggang ngayon mabilis pa din ang pagtibok ng puso ko. Bakit. Bakit ganto. Ahhhhh f*ck anong nangyayari sakin. Nakita ko lang tumawa si Trace pero bakit bumilis tibok ng puso ko.

Hindi Charlie. Napagod ka lang. Tama pagod ka lang kaya ka ganyan. Hindi ka bading

Wala kang gusto sa kanya. Tama Charlie lalaki ka. Imposble kang magkagusto sa isang lalaki na gaya mo. Arggghhh f*cking sh*t. Umayos ka nga.

__________________________________________________

ceikret

ai wo

**Lorraine on side----->

ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twinWhere stories live. Discover now