Forty eight** Trust me

1.9K 44 8
                                        

Chapter 48- Trust me

(Tracey POV)

"Tracey. Please listen to me." Narinig kong sabi ni Oppa pero hindi ko siya pinansin. Bakit ba niya ako kailangang lokohin. Bakit ba kailangan niya akong saktan. Bakit kailangan pa niyang sabihin na wala akong boyfriend. Ayen loves me so much as much as I love him. Alam kong hindi panaginip yung nangyari samin kagabi. It's my birthday yesterday at nagsayaw kami ni Ayen. He asked me to be with him for the rest of our life and I said yes because I love him so much.

"Please Oppa, I want to see Ayen. If you have nothing to say just leave me alone." I said. After few minutes narinig ko na ang pagbukas at pagsara ng pinto. Ayaw kong magtampo kay Oppa pero nasaktan ako sa mga sinabi niya. Ayaw iprocess ng utak ko yung mga sinasabi niya. Kung gusto niya akong I prank bakit di na lang niya ako binuhusan ng harina or what. Bakit kailangan pa niyang magsinungaling sakin.

"Tracey?" napabangon ako agad sa higaan pagkarinig ko ng boses na yun. Yung lungkot ko kanina ay biglang napalitan ng tuwa at parang nabuhayan ako ulit. Nandito siya.

"Frai" kulang na lang talunin ko na ang higaan ko para lang maplapit agad sa kanya pero pagkakita ko sa kanya. Para bang nalaglag ang panga ko. What the hell. Prank na naman ba ito? Hindi na ako natutuwa ahh.

"What the? Bakit ganyan ang ayos mo? Pati ba naman ikaw I pa-prank ako??" kunot noong tanong ko sa kanya. Kaasar naman eh bakit ba nila ako pinagkakaisahan?

"Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil hindi mo naaalala yung kalokohan na ginawa ko o malulungkot dahil nagkakaganyan ka na naman. Pero parang mas gugustuhin ko na lang na magalit ka sakin basta maging okay ka lang ulit." Sabi ni Frai na para bang maiiyak na. Ang hindi ko lang talaga matanggap ay bakit magkamukha kami. Okay alam kong kambal kami kaya magkamukha talaga kami. Pero bakit kailangan pa na pati haba ng buhok at ayos ay pareho kami. At bakit parang mas maganda pa siya sakin. Nasan ang hustisya doon. Ako ang babae pero bakit mas maganda pa siya kesa sakin. Ang unfair talaga minsan ng buhay.

"Wala ka namang ginawa na dapat kong ikagalit Frai. Yun nga lang bakit mo pa ako kailangang gayahin to then point na mas maganda ka pa skin. Wag kang magpapakita kay Ayen ng ganyan. Baka maging bakla ang boyfriend ko at ipagpalit ako sayo haha." Natatawang sabi ko pero di man lang siya natawa sa joke ko. Nagulat na lang ako nung yakapin niya ako habang tuloy tuloy ang pag agos ng luha sa mga mata niya. Ano bang nangyayari?

"Tracey sorry. Sorry talaga. Hindi ko alam na magkakaganyan ka. Hindi ko alam na mangyayari sayo ito. Sorry napakaselfish ko. Sorry kasi kasalanan ko ito. Dahil sakin kaya ka nagkakaganyan.Sorry Tracey. Sorry sorry." Umiiyak na sabi niya habang hawak ang dalawang pisngi ko. Ano bang sinasabi niya? Bakit hindi ko siya maintindihan.

"BAakit ka ba nagsosorry Frai? Kinakabahan naman ako sa mga sinasabi mo eh. Nagsosorry kaba kasi bakla ka talaga tapos inahas mo si Ayen sakin? Inagaw mo ba ang boyfriend ko? May nangyari na ba sa inyo? Wag mong sabihin na buntis kana? Frai? Bakit inunahan mo pang magkaanak si Oppa? Ang bata mo pa para magbuntis? Alam na ba ito nila Umma at Appa? Pananagutan ka ba ni Ayen? Handa naman akong maging other woman basta panagutan ka niya." Naiiyak na din ako habang nakatingin sa kanya pero nasira ang senti atmosphere nung bigla niya akong binatukan sabay tingin ng masama sakin.

"Hindi ako bakla. Tang** at hinding hindi ako magkakagusto kay Claien. Isa pa Tracey, Anong nasinghot mo? Nagkakatol ka ba? Hindi nabubuntis ang mga lalaki." Nakasimangot na sabi niya, after ilang seconds sabay pa kaming natawa. Hahaha ang epic lang. Nakakamiss talaga yung moment na ganito. Mula kasi nung pinadala ni Umma at ni Appa si Frai sa Pilipinas madalang na lang kaming magkulitan na ganito.

ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twinWhere stories live. Discover now