Forty five** Found him

2.1K 52 4
                                    

Forty five** Found him

(Tracey POV)

We are on our way to the Destiny College. May dalawang van na sumundo samin kaya naman hindi na namin pinroblema pa ang sasakyan dahil na din sa nangyari sa mga sasakyan namin dala. Nami choose to be with me kaya kasama ko siya ngayon at ang Shadow while the other group is in the other van. Tahimik lang ang byahe namin dahil na din sa pagod sila at halos lahat sila natutulog na maliban na lang kay Charlie at Ralvy na kasalukuyang nagbabato bato pick. Para silang tanga sa laro nila dahil ang matatalo ay bubunutan ng buhok. Wala yata silang balak tumigil hanggat hindi sila nakakalbo. Well I don't care on that part. Kasalanan na nila yun at nakalbo sila dahil sa walang kwenta nilang laro.

Nami is on my Left side while Janus is on my right. Pareho silang tulog at pareho silang nakasandal sa dalawang balikat ko kaya hirap na hirap ako. Nagsisisi tuloy ako at hindi ko na lang pinilit si Nami na sumakay dun sa kabilang van kasama ni Maki. Himala nga at naghiwalay yung dalawa. It's really unusual na makita silang hindi magkasama dahil para silang love birds na kapag pinaghiwalay ay namamatay. Gaya na lang ni Nami na nasa tabi ko. Parang wala siyang gana sa buhay at pinili na lang matulog ngayon. Mukhang wala siya sa mood at mukhang may nangyaring hindi maganda sa kanila ni Maki kaya akala mo namatayan silang pareho. I tried to ask her pero tanging malungkot na ngiti lang ang sinagot niya sakin. Kilala ko si Nami at alam kong hindi din natitikom ang bibig niya dahil gusto nyan lagi ay salita ng salita kaya nakakapagtaka na sobrang tahimik niya ngayon.

As for Janus naman, wala naman akong reklamo na sumandal siya sakin. Hindi nga ako naiirita kahit na sobrang likot niya pa din matulog kahit na nkaupo. May mga time na bigla na lang babagsak ang ulo niya sa lap ko tapos after ilang minute ay kusang aangat ang ulo niya papunta sa balikat ko. Kung di ko lang talaga alam na natutulog talaga siya ay iisipin kong pinagloloko niya lang ako at sinasadya niyang ihulog ang ulo niya para asarin ako. Pero kahit na anong gawin ko ay hindi ako naiirita sa ginagawa niya. In fact ang saya pa ng kalooban ko dahil sa pagsandal niya sakin. Para bang ang lahat ng pagod ko kahapon ay nawala dahil lang sa simpleng pagtulog niya sa balikat ko. Even though I like this feeling ay para bang mali pa din ang ginagawa ko. I can't fall inlove with Janus. I'm in a mission right now and that is to find Frai. The moment na maiuwi ko si Frai ay yun na din ang araw na kinakailangan ko silang iwan lahat.

I need to go back to the old Tracey. The one na laging nasa loob ng bahay. The one that is isolated and not the one I am right now. Ayaw ko man ay wala na kong magagawa pa kundi ang bumalik sa amin dahil doon talaga ako nararapat. I have no space at Destiny College dahil unang una sa lahat pumasok ako doon bilang isang lalaki. Bilang isang tao na hindi naman talaga nag eexist. At alam kong kapag nagstay pa ako ng mas matagal kasama ang Shadow ay mawawala lang sila sakin dahil isa akong selfish na tao. Alam kong magagalit sila sa akin dahil sa panloloko ko sa kanila. At bago pa mangyari na mabunyag sa kanila ang sikreto ko ay kailangan ko ng lumayo sa kanila. I want to leave them with a happy memory at ayaw kong umalis na may galit sila sa akin dahil sa pagpapanggap ko.

Dave on the other hand seems to be unusual this day. Nagbabasa lang siya ng journal or book yata yun habang tahimik na nagmamasid samin. I have this strong feeling about that book though. Para bang alam ko kung ano yung hawak niya na yun. Hindi ko lang maalala kung saan ko nakita yun pero parang nakita ko na talaga yun before.Kanina ko pa napapansin ang pagtingin at pagmatyag niya sakin. Hindi ko alam kung may nahalata na ba siya sa sikreto ko. I hope na sana wala. Hindi ko pa nahahanap si Frai. Wala pa dapat ibang makaalam ng sikreto ko. Si Troy naman ay nakahiga lang sa lap ni Dave. As usual tulog siya yun nga lang nakadilat ang isa niyang mata. Ralvy said that its normal dahil may mga time daw talaga na tulog siya kahit na nakadilat ang isa niyang mata pero it's really creepy. Lalo na at katapat ko siya kaya kada napapatingin ako sa mukha niya ay nangingilabot ako. Para kasing nasa isang horror Movie si Troy kapag ganun siya matulog.

ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twinDonde viven las historias. Descúbrelo ahora