seventeen ** Janvee in the dorm

3.2K 80 7
                                    

(Tracey POV)

Maaga kaming pumasok sa department ngayon. Bago nga ito dahil walang pilitan na naganap. Well maliban na lang kay Dave. Sinabi ko na kasing wag gisingin kaya lang yung dalawang pasaway ayaw paawat. Kung hindi pa sila kinaladkad palabas ni Janus hindi sila titigil.

Pagkalabas namin ng van as usual pinagtitinginan pa din nila kami pero this time kakaiba na. Parang nagtataka silang lahat dahil wala kaming bugbog all over our faces. Well sabihin na nating wala silang bugbog pasa or sugat. Para ngang nakakita ng multo pati mga lalaki na nadaanan namin. Gusto kong matawa sa reaksyon ng mga mukha nila pero di ko nagawang tumawa dahil sa dalawang babaeng kanina pa nag hihintay sa gate.

Bakit ba kasi sa araw araw na ginawa ng diyos e nandyan si Nami damay pa yung babaeng loka loka. I'm trying not to be rude habang nandito ako sa College pero nakakairita kasi eh. Kahapon lang kasama ko na sila binili ko pa mga gusto nila tapos nandito na naman sila.

"Trace Oppa." Nakangiting sabi ni Nami with kaway kaway pa. Lalagpasan ko na lang sana sila kaya lang bago pa ako makaiwas here comes Charlie to annoy me. Hinila lang naman niya ako papunta kina Nami dahil may nakita yata siyang kung ano. Tss

"Hi Nami, Hi Lora sakin ba yang cake na yan?" Ngiting ngiting sabi niya habang hilahila ako.

"Nope para kay T-trace ito." Lorraine said while stuttering. Nakakatakot ba ako para mautal siya?

"T-trace take this as a token of appreciation sa pagsama at pagtreat mo samin kahapon." Sabi niya sakin sabay abot ng cake.

Kinuha ko naman. Sayang eh. Kakainin ito ng mga patay gutom mamaya. Alam ko namang nagniningning na yung mga mata ni Charlie at Ralvy pagkakita sa box na hawak ko. "Thanks." Sabi ko at aalis na sana pero may biglang nanghila sa blazer ko. Napataas pa ang isa kong kilay pagkakita na si Lorraine yun.

"Why? Any problem?" Sabi ko with a poker face.

"W-wala thank you kasi kinuha mo. Pinaghirapan ko yan para sayo. Sana magustuhan mo." Pagkatapos niyang sabihin yun bigla naman siyang tumakbo. Anong pinaglalaban nung babae na yun.

"Tae Trace lakas ng charm mo. Nabihag mo ang mailap na puso ng President ng Council." Natatawang sabi ni Charlie habang kinukuha ang cake sa kamay ko. Alam ko namang style lang niya yun para makain na yung cake. Bakit kaya di na lang niya hiningi? Ibibigay ko naman eh.

"Akala ko si Dave ang President?" Takang tanong ko.

"Oo nga. Sa Boys Department si Dave while si Lora sa Girls Department." Paliwanag ni Charlie habang nangangalkal sa bag niya. Parang nagningning pa yung mata niya pagkahanap sa kutsara.

"So Close kayo?"

"Nope bestfriend yun ni Dave kaya nga nakilala namin. Isnabera kaya yan dati. Nakakapagtaka nga lang kasi ang bait bait niya sayo kelan ka lang naman niya nakilala. Samantalang kami anim na buwan bago namin nakausap ng matino yan." Sabi ni Charlie habang lumalamon na ng cake. Pagtingin ko sa kanya. I mean sa kanila, silang apat kasi nakaupo na sa hallway at lumalamon na ng cake. Ano bang aasahan ko sa mga ito. Patay gutom nga pala mga kasama ko. Hayy.

"Hey may tatanong pala ako." Sabi ko kaya napatingin silang apat sakin. Hanep pati ang tutulog tulog na si Troy gising pag may pagkain. Lumingon lingon muna ako sa paligid namin para masiguro kung may tao bang nakikinig. Nung masiguro kong wala na, agad ko silang hinarap.

"Yung katana. Sa inyo ba yun?" Seryosong tanong ko sa kanila. Kailangan ko ng kasagutan. Dahil hindi ako matatahimik hangga't alam ko na may panganib sa paligid namin.

Sabay sabay silang umiling dahil na din hindi sila makapagsalita. Punong puno kasi ng cake ang mga bibig nila, mga patay gutom talaga.

"So bakit napunta sa inyo yun?" Mahinahon kong tanong. Yung tipong akala mo nakikipag usap ako sa isang 5 years old na bata.

ROTGT Book2: Assassin's First Mission: Finding my lost twinDonde viven las historias. Descúbrelo ahora