31

1.1K 40 0
                                    


Free

KINAKABAHAN ako ng sobra habang masuring pinagmasdan ang sarili sa salamin. I'll be attending Marcaun's graduation ceremony. At ipapakilala niya rin ako sa parents niya. Well, his grandparents will be there also pero nakita ko na rin naman sila.



Sabi ni Marcaun ay susunduin niya ako at sabay nila muna kami didiretso para maipakilala na sa pamilya niya. Sobrang nakakakaba dahil hindi ko pa talaga nakita ang parents niya. Matagal niya na sana akong ipapakilala sa buong pamilya niya ngunit tumanggi ako kaya ngayon pa lang.



"Hmm, ganda naman..." he sweetly praised me and kissed my chin.



Ngumuso lamang ako at mahigpit siyang niyakap. Isiniksik ko ang mukha sa kanyang dibdib at sininghot-singhot ang preskong pabango niya.



"I'm nervous, Caun..."



"Don't be. Let's go," he said and pulled me into one last hug.



Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kanyang sasakyan nang nasa harap na kami ng gate nila. Nararamdaman ko agad ang panlalambot ng tuhod ko. Magugustuhan kaya ako ng pamilya niya?



Nasa living room silang lahat kaya agad akong bahagyang nagyuko ng ulo.



"And... who's this girl?"



"Hey fam, she's Hasheine Mausisa, my gorgeous girlfriend," Marcaun introduced me.



My face heated in embarrassment. Anong gorgeous na pinagsasabi niya? Nakakahiya!



"Wala na ba talaga kayo ni Clarna, Marcaun? I really want her for you..."



"Mom..."



Nalakasan ko ang pagkagat sa pang-ibabang labi. Nalasahan ko agad ang dugo. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Gusto kong maiyak pero ayoko namang dito talaga sa harapan nila. His mother is really insensitive. Kung gusto niya talaga si Clarna para sa anak niya sana naman hindi niya lang sinabi sa harapan ko.



"By the way son, she's upstairs inside your room. Nag-retouch pa."



I felt how his hold tightened. Pilit kong iginalaw ang mga daliri ko para ipa-remind sa kanya na hawak niya ang kamay ko.



"What is she doing here, Mom? seryosong tanong ni Marcaun sa matigas na tono.



"I invited her. Bawal ba? And hija, do you really love my son?"



Nang maintindihan na ako pala ang tinanong ng Mommy niya ay mabilis akong tumango. Sa tingin ba nito ay parang wala lang ang relasyon namin na parang laro-laro lang ang lahat?



"Okay. But sorry talaga ha? I'm just really fond of Clarna. So honestly, I'm gonna say that I don't like your presence being here," diretsong usal ng Mommy ni Marcaun.



Nanlamig ako sa aking kinatatayuan. I smiled bitterly. Hiyang-hiya ako. Akala ko pa naman ay maranasan ko ang masayang pahintulot nila sa relasyon namin ni Marcaun. My heart flinched in that thought.



"Mom, how could you say that? Just a little respect will do. Kung hindi niyo siya rerespetuhin, h'wag na lang kayong umattend sa graduation ko. I'm already okay with my girlfriend's presence only."



"Seriously? You're choosing that plain girl over us?! I'm just telling the truth! E, alam mo naman talaga Marcaun na sobrang prangka ko. So what would you expect?"



Every Paint Matters ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon