24

1K 46 0
                                    


Scared

SOBRANG bilis lamang ng araw. Hindi ko na nagawang pumasok sa sunod na klase dahil sa pang-uusisa sa akin ng mga kaklase ko. Alam na nila na anak rin ako ng Papa ni Eerhia.



They thought that my father is also the real father of Eerhia. Walang nakakaalam na may naging unang asawa si Papa. And likewise, no one knew that the mayor is just a stepfather of Eerhia.



Sabagay, Papa and Mama just did a civil secret marriage. Kaya wala talagang nakakaalam. At pagkatapos ng ilang buwan lamang ay nagpasya silang makipag-divorce sa isa't-isa dahil wala na silang magagawa. At sa ibang bansa rin ako ipinanganak.



Papa's mother has mental illness kaya lahat ng gusto nito ay sinusunod niya. At dahil gustong pakasalan ng Mama ni Papa si Tita Erah kaya nakipag-usap siya kay Mama sa kanyang naging desisyon kahit masakit.



Hindi naging madali kay Mama ang lahat lalo na dahil buntis na pala siya sa oras na 'yon. Nalaman lamang ni Papa na anak niya ako no'ng Grade 7 ako.



Mama told him about me being his daughter. At nalaman rin ni Tita Erah ang tungkol sa akin dahil sinabi sa kanya ni Papa ang totoo. Kaya hindi ko masisisi ang galit na nararamdaman niya sa akin.



At ito na nga ang kinatatakutan ko ngayon. Alam kong darating ang oras na malalaman rin nila na may anak ang kilalang murderer. At ako 'yon. I'm not totally ready for that revelation. Sa tingin ko, hindi ko talaga kakayanin.



Napatingin ako sa screen ng cellphone nang tumunog ito. I decline the call when I saw it was Eerhia. I'm not ready to talk to her. I just felt betrayed after hearing what she told to her mom. Dalawang linggo na ring hindi ko siya pinapansin.



Kumain muna ako sa isang fast food habang nagpapalamig ng ulo. Galit ako sa lahat. I'm not ready for what might happen for the next, next days. Hindi ko pa talaga kakayanin ang makarinig na naman ng pangungutya galing sa karamihan.



Dumiretso ako sa mansion. Nag-aalalang sinalubong ako ni Manang Glor. Hindi pa naman kasi uwian at ang aga ko ngayon.



"Wala na bang klase hija?"



Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya tumango na lamang ako at walang ganang pumaitaas.



Mabigat ang bawat paghinga ko habang nakatukod ang dalawang kamay sa barandelya ng terrace. Napatingin ako sa ibaba. I want to jump badly just to end this pain but I don't want to add my sins.



Iritadong hinugot ko ang cellphone sa bulsa ng palda ko. I'm planning to power off my phone but I'm curious with the message that Eerhia sent to me.



Parang nawalan ako ng dugo at agad na nag-uunahang dumaloy ang luha sa pisngi ko. Kanina pa siya nasa airport kaya siya tawag nang tawag sa akin para sabihing mangingibang-bansa na siya. At sa ngayon ay nakalipad na ang sinasakyan niyang eroplano.



Biglaan ang pag-transfer niya dahil sa galit ni Tita Erah. Matagal ko na naman siyang makikita. And it fucking hurts. Sobra. Pakiramdam ko ay ako na lang mag-isa at walang karamay.



Hindi ko na napigilan ang mapahagulhol ng malakas. Wala sa sariling inihagis ko ang mga gamit na nakikita ko. Pati mga painting na naka-display ay binasag ko. Nagwawala ako sa labis na poot na nararamdaman.



Lahat na yata ng gamit ko dito sa kwarto ay sirang-sira na, including my laptop and computer. Napansin ko rin ang dumudugo kong paa kahit suot ko pa rin ang medyas dahil naapakan ko ang basag na vase. Malakas akong nagsisigaw at malakas na pinaghahampas ang pader.



Every Paint Matters ✔Where stories live. Discover now