29

1K 34 1
                                    


Exposed

PANAY ang reklamo ko kay Marcaun dahil disturbo lamang siya sa paghuhugas ko sa mga pinggan. Gigil niya kasing kinagat ang tainga ko habang nakayakap siya sa aking likuran.



"Isa na lang talaga, Marcaun! Napipikon na ako sa'yo!"



"Just let Manang Glor do the dishes. God, Ashi. It's our first monthsary and we should celebrate in this especial day!" he whined.



Natawa ako sa sinabi niya pero lamang pa rin ang pagkamangha. Ganito rin ba siya kay Clarna no'ng sila pa? He's really fond of celebrating monthsaries even though, kaka-isang buwan pa lamang namin.



Natatawang hinarap ko siya at pinisil ang nakangusong labi niya. Napapadyak siya at tinalikuran ako. Patunog niyang hinila ang upuan at pumangalumbaba sa lamesa. 



I immediately finished washing the dishes. Nakangiting tumabi ako sa kanya. Sinundot-sundot ko ang pisngi niya at hindi man lamang siya natinag. I even tried to pinch his cheeks hard but he's still stiff but I noticed that he winced slightly.

"Alam mo, ang OA mo," natatawa kong komento.



Napaubo siya at masamang sinalubong ako ng tingin. Halos magdikit na ang kilay niya kasabay ng pagkunot ng kanyang noo.



He mockingly laughed.



"I'm trying to be sweet and romantic here but that's the words I received from you?"



"Look Marcaun, I was really flattered with the surprises you made for me in your condo with all the balloons, cakes, and gifts. And everything is okay. Ano pa bang i-celebrate ang ibig mong sabihin?"



Kaninang umaga kasi ay maaga niya akong sinundo dito sa mansyon. Wala akong ideya kung saan kami pupunta kasi naka-blindfold ako. Do'n ko lang nalaman na nasa condo niya na kami nang tinanggal niya na ang blindfold.



At do'n ko na rin nalaman na monthsary pala namin ngayon. Nakalimutan ko kasi. At nakakatuwa lang dahil ang daming effort na ginawa niya sa gano'n kabonggang surpresa. Nakaka-guilty tuloy dahil wala man lang akong naibigay sa kanya.



He problematically massaged his temple.



"I just want your time in this whole day, Ashi. 'Yon lang naman ang gusto ko, e..."



Napamaang ang labi ko at hindi na napigilan ang mahagalpak sa tawa. Marahan kong sinampal ang pisngi niya at kinurot.



"You're so adorable naman bebe! Iniisip ko naman kasi na mas maganda kung sa anniversary natin tayo magce-celebrate. Saka magkasama naman tayo ngayon ah?"



Inismiran lamang niya ako at umiwas ng tingin.



"I'm not a dog. Stop calling me adorable. At buong oras mo ang gusto ko, Ashi. Buong magdamag..."



Napangiwi ako.



"Dapat na ba akong kabahan? Buong magdamag talaga, Marcaun, ha? May binabalak kang masama noh?"



He scoffed. "Yung utak mo, pakilinisan naman. Ang dumi mo naman kasing mag-isip!"



"Okay, fine. Ano bang gusto mo?" I said, sighing.



"Anything. Basta kasama ka buong magdamag. We should date outside. Mamamasyal na rin at ubusin ang oras. And we need to wear also a couple shirt," he smirked.



Every Paint Matters ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon