19

1K 59 1
                                    


Secured

TAHIMIK akong nagbabasa ng one shot story sa isang facebook page. Hindi nakatakas sa pandinig ko ang mga nakakainsultong salita galing kay Clarna na halata naman na ako ang pinaparinggan.



"Oh really! So, you're saying na palagi siyang lumalapit kay Marcaun? In fact, he's already have a girlfriend? What a desperate move."



Nagpanting ang tainga ko. Pinagkakalat pa talaga ni Clarna na naging complicated ang pagsasama nila ni Marcaun dahil sa third party na nangyari. And she really had the audacity to point me out as the side chic.



"Ask her. She's not deaf. And I'm sure she heard us," mapang-uyam na tugon ni Clarna.



Nagtitimpi na talaga ako sa galit na nararamdaman para sa kanya. Binaligtad ba naman ang kuwento. At naglakas-loob pa naman akong tanungin si Marcaun kung sila ba, pero hindi naman pala!



Kaya hindi ko alam kung bakit kailangan pang gumawa ni Clarna ng kuwento na hindi totoo. She even made me the villain of the story she created.



"Mayabang talaga 'yang si Clarna. Halatang inggit sa'yo," bulong sa akin ni Precy.



Wala ang prof namin sa second subject kaya kanina pa ako nababagot. I missed White! Minsan kasi ay dinadala ni Manang Glor ang alaga ko sa bahay nila. Napalapit na rin kasi si Jepjep sa alaga ko kaya hinayaan ko na lang tutal wala na rin akong sapat na oras na makipaglaro kay White.



"Hasheine!" tawag sa isang kaibigan ni Clarna na sa pagkakarinig ko ay Lezia ang pangalan.



Simpleng nag-angat ako ng tingin. Napasulyap pa ako sa iba na nasa akin rin ang tingin. Mga chismosa.



"Bakit?" I softly asked.



"Nilalandi mo raw ng palihim si Marcaun?" diretsong tanong nito.



Nalaglag ang panga ko at dismayadong hilaw na napangiti. Nilalandi? It's not the right term to approach me with that word. Umay na umay na ako sa mga kasinungalingan ni Clarna dahil pati mga kaibigan niya ay nauuto niya na ng sobra.



I shrugged my shoulders and acted that I'm not offended.



"Sinong nagsabing nilandi ko si Marcaun? At kung nilandi ko naman siya, ano naman ngayon? Pareho naman kaming single? So no big deal." I said in a calm voice.



Clarna scoffed. "Single?!"



I smirked at her and nodded innocently.



"Sabi sa akin ni Marcaun ay wala namang namamagitan sa inyo. Kaya nakakapagtaka kung bakit pinagkakalat mo sa iba that you're in a relationship with him? Matagal na kayong hiwalay, hindi ba?"



Mapanuring sinulyapan siya ng mga kaibigan niya.



"Hala! Is it true Clarna?! Akala ko ba, nagkabalikan kayo?"



"O-Of course. Anong pinagsasabi mo diyan?"



Clarna was deathly glaring me. Hindi na ako sumagot at nagyuko na lamang. Maya-maya ay pumasok na ang prof namin kaya binigay ko ang buong atensyon sa discussion.



Kakapasok ko pa lamang sa loob ng restroom ay muntikan na akong madapa nang may biglang humila sa pulsuhan ko.



Clarna closed and locked the door. Sumibol ang kaba sa dibdib ko.



Every Paint Matters ✔Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt