02

1.7K 97 4
                                    


Customer

NASISIYAHANG pinakain ko muna si White ng grapes. Nasa dining area ako habang nasa plato ko ito, inuubos ang tira kong grapes.



Manang Glor was just staring at us, lalo na kay White. Sino ba naman ang hindi mamamangha sa kakyutan ng alaga ko?



I turned my head when I heard a sharp greeting.



"Ashi! My pretty stepsister!" Eerhia exclaimed as she gave me a quick hug.



Napangiti ako sa tuwa sa presensya niya ngunit agad napakunot ng noo. Nakakapagtaka kung bakit palagi na siyang nagpupunta dito. I mean, palagi kasi siyang busy at pinagbabawalan pa ng Mommy niya na bisitahin ako rito.



"Where's the excitement now, Ashi? Nagsasawa ka na ba sa akin?" she said, frowning.



I intently checked her. Napabuga ako ng malalim na hangin nang mapansin ang namumugto niyang mga mata. Alam kong may problema rin siya pero nakakapagtampo dahil wala naman siyang binabanggit.



"Hindi ba hectic ang schedule mo? No photoshoot?"



She scoffed at naghila ng upuan katabi sa akin.



"Hindi ako sumipot. Nakakapagod lang kasi ang palaging nakangiti ng pilit."



"I'll be your camera then?" biglang kong naisip.



"Huh?"



I forced a smile.



"Punta tayo sa kwarto. Ipipinta kita habang naka-pose ka sa harapan ko. No need to fake a smile.



Agad siyang sumang-ayon at napangisi ng malaki.



"Manang, pakiliguan na lang po si White at pagkatapos ay pakihatid sa itaas."



Inabot kami ng apat na oras kaya nakaramdam na ako ng pangangalay sa leeg. I put a signature before turning it to Eerhia's direction.



Napaawang ang kanyang labi.



"You're really so good! You're already so pro, Ashi! I'm so proud of you," she sincerely said.



Kiming napangiti ako. Kinuha ko si White sa kulungan nito at hinayaang mangulit sa akin. Napahagikhik pa ako sa kiliti nang gumapang ito papunta sa tainga ko.



"So, how much is this?"



My forehead creased and glared at Eerhia.



"Tumahimik ka nga, Rhi. Libre lahat basta ikaw. Hindi ka naman ibang tao."



She shook her head.



"No way. Kung sa professional ako magpapapinta, sobrang mahal ang ganito. Kahit man lang may discount, basta't pabayarin mo ako. Huwag nang matigas ang ulo. Hindi naman kasi porke close tayo, libre na agad."



I bowed in disbelief and heaved a deep sigh. Hindi ko naman na kasi kailangan ng pera dahil marami na akong naging customer. Saka tuwing linggo naman akong may allowance galing kay Papa.



Kaya ang resulta ay nagkasagutan kami at nagtatampo siyang umalis ng mansyon. Nanunubig ang mga mata ko. Hindi ko kayang nasa hindi maayos ang pagkakaintindihan namin ni Eerhia.



I immediately called her but she didn't answer so I messaged her. Pumayag na akong magpabayad sa kanya. Mabilis agad akong nakatanggap ng mensahe galing sa kanya na i-se-send na lang niya sa bank account ko.



Every Paint Matters ✔Where stories live. Discover now