12

1.2K 63 2
                                    


Laughters

FOR the past weeks, I started counting days. Hindi pa rin ako mapapalagay na sa Lunes ay pasukan na. I'm still furious that I'll be having a regular classes again after how many years.



Bumisita ako sa bahay ng magkapatid na si Kian at Nikko. Approachable naman ang parents nila. Hindi ko lang natakasan ang pagtataka nila dahil sa ganitong oras ay binisita ko ang anak nila.



It's already 10 in the evening. Maaga pa para sa akin pero alam kong sa kanila ay masyadong late na para dumalaw ang babaeng katulad ko sa anak nila.



"Seryoso ka na niyan, Sheine? Ngayong oras mo pa talaga naisip na pumunta rito? I thought you're just joking kaya walang pakialam kong binigay sa'yo ang address namin. Nag-taxi ka ba?"



"You knew I'm serious, Nikko. Ayaw mo kasing maniwala dahil tawa ka lang nang tawa. And yes, nag-taxi ako dahil kung nag-motorbike ako, hindi ko naman alam ang pasikot-sikot ng mga daanan saka hindi ko rin alam ang daan patungo rito."



"You should dial Marcaun, hindi kami. Ano bang problema mo?" Kian flatly said.



Sinamaan ko siya ng tingin. Minsa'y nakakairita ang presensya nito dahil masyado siyang boring at ang killjoy! But somehow, I could say that we're just the same.



"Ewan ko sa'yo, Kian! Hindi naman ikaw ang ipinunta ko rito. Si Nikko lang naman, e!"



"Tss. Malditang introvert," Kian said while still reading.



Nandito kami sa library nila. At luckily, good timing ako dahil pareho pa silang gising. They're really studious.



Naghahagikhikan kami ni Nikko. He kept sharing jokes and we ended up suppressing our laughters. But still, we couldn't hold it anymore.



"Hasheine Mausisa, you can leave now. Nang dumating ka ay hindi na ako makapag-focus ng maayos dahil sa ingay niyo..." Kian muttered in a bored tone.



"Ubod na killjoy ka talaga Kian, e. Puro ka basa nang basa diyan sa makapal mong libro."



Kunot-noong napapailing lamang si Kian at may tinawagan. Napakagat ako ng labi nang marinig ang usapan nila. Tinawagan niya si Marcaun para kunin ako rito. Walang hiya talaga ang Kian na 'to.



Maya-maya'y narinig ko ang ringtone ng phone ko at nakita ang pangalan ni Marcaun sa screen. I rolled my eyes and clicked the accept button.



"Hmm?"



"Where you at?"



Napabungisngis ako. "Alam kong alam mo. Tinawagan ka ni Kian, 'di ba?"



He deeply sighed.



"Hinintay kita sa cafe, nandiyan ka lang pala. I'm fucking worried! I thought you're harming yourself again kaya hindi ka na nakapunta rito."



Pagak akong napatawa.



"Oh really? Halatang nag-aalala ka talaga sa akin," I comfortably stated.



"Of course. We're friends, Ashi. Kaya natural na mag-aalala talaga ako sa'yo."



"So what am I supposed to do with it?"



"Come here in Cafélicioso. I'll wait," aniya at ibinaba ang tawag.



Padabog akong tumayo at pinandilatan ng mga mata si Kian.



Every Paint Matters ✔Where stories live. Discover now