08

1.3K 78 3
                                    


Swimming



LUNES na at nakabalik na ako sa mansyon. As usual, sumalubong na naman sa akin ang katahimikan. Na-miss ko si Eerhia at alam kong hanggang ngayon ay nagtatampo pa rin siya.



Nakausap ko naman ng maayos si Marcaun at sinabing payag na akong papuntahin ang kuya niya rito. Ilang araw na ang lumipas at hindi na rin ako nakakarinig ng balita tungkol sa lalaking 'yon. Hmm, mabuti naman. Minsan talaga kasi naaalibadbaran ako sa presensya niya.



Nakayukong binuksan ko ang ref at kumuha ng fresh milk. This past few days ay nakasanayan ko na talaga every after meal ang uminom ng fresh milk kaysa sa kape. Well, it's good though.



"Sa Monterey ako mamaya, hija. Isang hiwa na lang kasi ng karne ang tanging meron," ani Manang Glor.



I nodded as I sipped the fresh milk.



"Bumili ka na rin ng para sa inyo, Manang." I said and opened my wallet.



"Nakakahiya naman, hija..."



Natawa ako at napailing. "Manang, huwag ka nang mahiya, ako lang naman 'to."



"Sige na nga lang. Hindi kasi dapat tinatanggihan ang blessing."



I clapped in agreement. I smiled while softly combing my hair.



"Sama na ako sa'yo, Manang. Sobrang ramdam ko na kasi ang sobrang pagkabagot dito. At para na rin masamahan kitang ma-i-deliver ang mga paintings."



Napamaang si Manang habang namimilog ang mga mata. I laughed heartily because of her priceless reaction and then shook my head.



"Lalabas ka hija?! Sasama ka talaga sa akin?!"



I gasped and laughed again. It's really a shocking news for her side. Alam nitong ayaw na ayaw ko ang makatapak sa labas ng mansyon, maliban kung gabi.



"Grabe ka sa akin, Manang," I smiled. "Somehow, I'm really trying my best to try some stuffs again."



Pero hindi dahil lumalabas na ako sa ganitong oras ay dapat na rin akong masanay na lumabas sa mga oras na 'to. No way. I still love my night time.



"Magbibihis lang po ako."



Nagsuot ako ng medyo mahabang hoodie at nag-maong shorts. I also wore long pair of yellow socks, same with the hoodie color and grabbed my nike shoes.



Nag-grab kami. Mahirap kasi pumara ng taxi dahil madalang lamang ang mga taxi'ng makikita sa daanan dito. At ayoko namang mag-motorbike kami dahil takot si Manang Glor at wala rin kaming malalagyan ng ipinamili namin.



Sobrang nakakapanibago na talaga. Yung feeling na parang first time ko pang makakita ng mga nagtataasang building. At hindi maiwasang mapanganga sa pagkamangha.



Nakasunod lamang ako kay Manang Glor habang masuri siyang namimili ng mga karne. I bit my lower lip when I noticed that some of the customers here were directly staring at me, checking me from head to toe. Napayuko na lamang ako sa pagkailang at ipinagsalikop ang dalawang kamay.



"Woah! Mukhang manika brad, ang puti sobra ng legs," rinig kong sambit ng isang lalaking malapit sa amin.



My face instantly heated. Alam kong narinig rin 'yon ni Manang dahil sandali siyang napatigil at nag-aalalang sinulyapan ako. I gave her an assuring smile and she continued picking some pack of meat.



Every Paint Matters ✔Where stories live. Discover now