15

1.2K 61 4
                                    


Grief

MALAKAS akong hinila ni Precy. Gusto ko na kasing umuwi ng maaga ngunit ang babaeng 'to ay hindi pumayag sa pagtanggi ko.



"Ano ka ba, Hasheine! May laro ang department natin at kalaban ang ibang department! Suportahan naman natin!"



"Si Eerhia baka gusto nang umuwi. Sabay pa naman kami..."



Precy rolled her eyes and brushed her hair harshly. 



"Hindi ka naman mamamatay kapag ako ang kasama mo. Saka ang boring naman ng life mo! Masyado kang introvert. Like duh!"



Napatalon sa tuwa si Precy nang hindi na ako nagsalita at tahimik lamang na sumunod sa kanya. Hindi naman kasi ako mahilig sa mga sports at madali lamang akong nababagot kapag nanonood.



Pumwesto kami sa unahan at klarong-klaro ang mga manlalaro na nasa gitna. Hindi pa naman nagsisimula kaya ang iba ay nag-uusap muna.



Every Friday ay palaging may labanan bawat department. Wala akong sinalihan dahil wala naman talaga akong alam kahit sa volleyball at badminton.



"Ang gwapo talaga ni Marcaun 'no?? 'Di ba close kayo?"



Napatingin ako sa direksiyon ni Marcaun. Kinakausap siya ni Clarna habang umiinom siya ng tubig. Hindi naman talaga maitatanggi na gwapo siya. Lahat naman talaga ng mga lalaki na nakakasalubong ko dito sa Mintdale ay ang gagwapo talaga.



Nagkibit-balikat lamang ako. Nanunuksong siniko ako ni Precy at ngumuso.



"Bakit?"



"Share naman diyan, girl. Mukha kasing close na close kayo ni Marcaun. Saka hindi sila bagay ni Clarna. For me lang ha, para kasing hindi seryoso si Marcaun kay Clarna e."



"Uh, magkakilala lang talaga kami ni Marcaun. Close kasi sila ni Eerhia kaya nakilala ko siya."



"Weh? Dahil ba talaga kay Eerhia?" tanong niya habang itinaas-baba ang kilay.



Walang gana akong nanonood sa laban. Hindi ko namamalayan na pinapanood ko na si Marcaun. Nakayuko siya habang hawak ang dalawang tuhod at binabantayan ang kilos ng katunggali na hawak ang bola.



Nag-angat ng tingin si Marcaun at inilibot ang mga mata. Medyo napanganga ako nang magsalubong ang tingin namin. Nakatakbo na ang binabantayan niya papalapit sa ring at tumalon pero nanatili pa rin siya sa kanyang puwesto habang nakatingin sa direksiyon ko.



Ayokong maging assuming kaya iniisip ko na lamang na nasa giliran o likuran ko ang tinitingnan niya.



One of his teammate tapped his shoulder kaya natauhan siya. Napalingon ako kay Precy nang marinig siyang sumipol.



"Sana all! Ba't kinilig ako sa inyo? Ano ba 'yan?!" she said while giggling.



"Tanga ka ba? May girlfriend na yung tao kaya bakit kikiligin ka sa amin?" I mocked.



"Sus, ikaw rin naman e!"



Hindi na kami nagkita ni Eerhia kaya nag-taxi na ako. Dumiretso agad ako sa Cafélicioso at hindi inaasahan na magkasabay kami sa pagpasok.



"Hey..." kinalabit niya ako at sinundan.



"Uhm, pumunta ka pala agad dito," I stated.



Every Paint Matters ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon