33

1.1K 40 3
                                    


Wounded

HINDI ko maiwasan ang maiyak ng sobra pagkatapos ng yakapan namin ni Mrs. Heart Escudero. She's really sassy at the same time approachable. Masaya lang ako dahil ito ang unang pagkakataon na makasama ko siya sa isang pelikula.



She's one of my inspiration. At ngayon, ay medyo close na kami. May contact na kami sa isa't-isa at palagi niya rin akong iniimbitahan kapag may event siya. Ipinares niya pa nga ako sa anak ng mga pinsan niya.



Nasabi niya din kasi na hindi daw kami bagay ni Nest dahil halatang hindi kami click. And very true. Siya pa yung nakakapagsabi sa akin niyan. Kasi kung iba pa 'yon, paniguradong pinapaamin pa ako kung may gusto ba ako kay Nest.



Pagkauwi ko dito sa Pilipinas kasama si Rhian ay walang-wala ako. Kung hindi nga lang dahil kay Rhian ay baka nagpakamatay na ako pagkatapos ng aksidenteng nangyari kina Eerhia.



Papa and Tita Erah were really furious. Naalala ko pa noon na kinasuhan ako ni Tita Erah dahil ako ang sinisisi niya. Kasalanan ko bang mabangga ang sinasakyan nila ni Eerhia at Gav? At nagdadalamhati rin ako sa biglaang pagkamatay nila. Hanggang ngayon nga ay hindi ko pa rin matanggap.



I'm always at my lowest point at night. Pagkauwi ko kasi sa Pilipinas ay isa at kalahating taon akong hindi na nakakalabas ng mansyon. Si Manang Glor ang tumulong sa akin lahat. Si Papa rin that time ay na-stroke kaya down na down talaga ako noon.



Sa loob ng mga buwan na 'yon ay hanggang kwarto at kusina lamang ako. Sobra ang ipinayat ko pa nga at masyadong maputla dahil hindi na ako naaarawan. Kahit sa front yard lamang ay ayaw kong lumabas. Kaya malaki talaga ang pasasalamat ko kay Manang at sa personal therapist ko.



I've been diagnosed into a Major Depressive Disorder and Conversion Disorder. Mas nahirapan rin ako sa pagkakaroon ng Conversion Disorder dahil nahihirapan akong maglakad ng maayos, hindi rin nakakarinig ng mabuti at minsa'y sa pagdalaw ng seizures.



Hindi ko na kinaya dati. Ilang beses ko nang sinubukang magpakamatay pero palagi lang naman akong napipigilan at nahuhuli kaya napagod ako at nanahimik na lamang.



Naalala ko rin dati na dumating sa point na sinisisi ko na rin ang panginoon sa lahat ng nangyari. I blame Him but still, He gave me abundant blessings. I couldn't ask for more. I'm forever grateful for everything despite from my past.



"Sana all nayakap si long lost sister," pang-aasar sa akin ni Nest.



"Excited talaga akong magkaroon ng bagong ka-loveteam," pang-iinis ko sa kanya.



"Malalaki ang fandom natin kaya imposible 'yang iniisip mo," he pouted.



I couldn't help but to giggle because of his cuteness. I pinched his cheeks and noticed the cameras obviously capturing this scene.



Napanguso ako at agad na ibinaba ang dalawang kamay. Umupo na kami sa assigned table namin at nakikipag-usap na rin sa mga co-actors at co-actresses na kasama namin sa table.



It's Mrs. Heart's birthday at karamihan ng imbitado ay mga nasa industriya. I keep waving my hands when some acquaintances greeted me. I couldn't erase my smile while entertaining them.



Nang matapos mag-speech si Mrs. Heart ay nagpaalam muna ako para mag-restroom.



I walked elegantly. My smile faded when I noticed a familiar figure. Magkaharap lamang ang pintuan ng male at female restroom at nakasandal siya sa pader malapit sa pintuan ng male restroom.



Every Paint Matters ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon