38

1.2K 37 0
                                    


Satisfied

PATAGAL nang patagal ay palagi nang dinudumog ang Cafélicioso. May maraming sumubok na lapitan ako at palaging tinatanong kung sino ang kasama ko.



Another news that been trending again. Kaya daw hindi na kami nakikitang palaging magkasama ni Nest dahil niloko ko daw siya. At saka ipinalit ko daw si Marcaun. Gosh! Fake news na naman! Hindi nga kami ni Nest tapos kakalat pang niloko ko siya.



Nest is busy with his photoshoot. He was featured by a well-knowned magazine. Nasa isla ang lalaking 'yon at nag-eenjoy.



It was pretty hard sometimes dahil unti-unting dumami ang nang-bash sa akin. Malandi. 'Yan ang palaging nababasa ko sa mga komento ng iba kapag nagpo-post ako ng larawan. I was affected but I tried to ignore their insulting words since wala naman talagang katotohanan ang lahat na isinasawalat nila.



Flashes of cameras hit on us. Even Marcaun, I knew that he's also uncomfortable right now.



When we exited, Marcaun made sure to cover me up from the people who tried to approach me just to surely ask questions.



"Ganito pala kapag sikat na artista," komento niya.



"Mapasikat o bago man sa industriya basta may mai-tsismis lang biglang magte-trending talaga."



"Hindi ka ba nahihirapan? I mean, do you like this? Ginusto mo bang mag-artista?"



Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Isinandal ko na lamang ang ulo sa head rest ng sasakyan. I played my fingers while became silent.



Nagsimula na niyang pinatunog ang sasakyan. Bago gumalaw ang sasakyan paalis sa parking lot ay may inabot siya sa likod. My lips parted when he handed me a bouquet of chocolates. And in the center, there is a small rabbit stuff toy.



There's a sudden feeling that I want to scream how happy I am. Hindi dahil sa binigyan niya ako ng ganito pero dahil naisip ko na ang swerte ko. Hindi man lang niya ako pinagkamuhian na hindi ko siya pinaglaban. Instead, he's the one who's being approachable.



Sa mga araw na lumipas, kahit may trabaho siya ay naghahanap pa rin siya ng paraan, maka-bonding lang si Rhian at makapag-usap na rin kami ng kahit ano-ano. I won't assume and give myself hope. Sapat na sa akin ang malalapitan pa rin siya.



"Uhmm, thank you..."



"Always welcome."



His eyes lingered on me. I bit my lower lip when I started to lost on his piercing stare. Parang bigla akong nilamon sa malalim na titig ng mga mata niya at nakulong sa puso niya. Hindi na makakaahon. Hindi na kayang takasan.



Hindi ko na alam kung saan na kami nakarating. Basta ang alam ko lang ay nadadaanan namin ang mga naglalakihang mga puno.



"Saan tayo?" nagtatakang tanong ko.



"My breather place."



Inihinto niya ang sasakyan sa harap ng isang may kalakihang kubo. Nakangiting lumabas siya at pinagbuksan ako ng pintuan ng sasakyan.



"Welcome to my place!"



"Huh?"



Nang makapasok ay napanganga ako sa magarang disenyo sa loob. Simpleng-simple lang naman itong pagmasdan sa labas kaya unexpected kung anong meron sa loob. Mukha kasing dinala niya na ang buong condo niya dito.



Every Paint Matters ✔Where stories live. Discover now