16

1.1K 62 3
                                    


Stalker

WALANG gana akong nagtungo sa library. Hindi na kami nagkakasabay ni Eerhia dahil may ibang pinagkakaabalahan siya.



Nakaidlip ako sa isang lamesa sa tabi ng shelves at hindi namalayan na oras na pala para sa susunod na klase. Wala akong ganang pumasok ngayong araw. Mas gugustuhin ko pang matulog buong araw kaysa pumasok ngayon.



My breath hitched when my eyes drifted to Marcaun who's in my front silently reading.



"Gising ka na," mahinang usal niya at ibinaba ang librong hawak niya.



"Kanina ka pa dito? Oras na para sa susunod na klase. Kaya bakit nandito ka pa?" I suspiciously asked.



"Binabantayan kita," mabilis niyang sagot.



"Bakit pa? Wala naman sigurong gagawa ng masama sa akin dito, 'di ba? Besides, I'm inside the university."



"I heard that yesterday you got into a fight. Bakit?"



Nanggagalaiting napaiwas ako ng tingin. Those bitches!



Bumigat na naman ang paghinga ko. Nakangiwing napahawak ako sa dibdib at naiinis na napapikit ng ilang sandali. Hindi naman 'yon matatawag na away dahil nagkasagutan lang naman kami pero grabe yung impact sa akin dahil hindi ako nakatulog ng maayos sa kakaiyak.



He worriedly handed me a bottled water.



"Are you okay, Ashi? You're pale, let's go to the clinic."



I quickly shook my head in disaggreement.



"A-Ayos lang ako."



He threw me a cold glare and scoffed. Umupo siya ulit sa harapan ko habang nakatitig pa rin sa akin.



"Hihintayin nating matapos ang klase mo ngayon at ihahatid kita sa room mo para makahabol ka pa sa next subject mo."



"Ikaw rin dapat, Caun..."



He nodded.



"Don't worry because I'm not like you who already made skipping class a hobby."



Saktong pagkalabas ng prof namin ay siyang papalapit rin namin sa room ko. Nahihiya akong napahinto sa harapan ng pintuan at napalingon sa mga classmates ko. I noticed that some of them are watching us.



Marcaun patted my head and gestured me to go inside. Hindi ako komportable sa mga mapang-usisang tingin na iginawad sa akin ng mga kaklase ko. Lalo na kay Clarna. She's glaring at me like I did a horrible mistake.



"Si Marcaun na naman kasama mo. Baka kayo talaga ang may relasyon at hindi ang feelingera na Clarna na 'yon," bulong sa akin ni Precy.



I made a face and just ignored her words. Bahala na sila kung ano ang iisipin nila.



Pagkatapos ng klase namin ay isinukbit ko na ang backpack para diretso nang uuwi. Napaawang ang bibig ko dahil hindi pa nga ako nakahakbang ay may humila sa siko ko. Mahigpit nitong hinawakan ang siko ko na parang ayaw akong makawala.



"C-Clarna," kinakabahan kong wika.



"Alam mong may girlfriend na yung tao tapos landi ka pa rin nang landi? Hindi ka ba marunong makiramdam?! What a flirt!"



"Wala akong alam sa pinagsasabi mo at-"



"Shut up!"



Nakatanggap ako ng malutong na sampal galing sa kanya.



Every Paint Matters ✔Onde as histórias ganham vida. Descobre agora