20

1.1K 46 3
                                    


Star

TAMAD na tingin ang iginawad ko kay Clarna nang harangan niya ako. Kakababa ko pa nga lang sa motorbike ko ay agad niya na akong sinalubong na halatang galit.



"What?" walang gana kong tanong.



I received a slap from her. Gusto ko rin sanang sampalin siya kaya lang wala ako sa mood ngayon makipag-away.



"Ano bang problema mo, Clarna?" mahinahong tanong ko.



"Ikaw! Anong ginagawa mo kay Marcaun? Bakit panay ang iwas niya sa akin? May sinabi ka 'no?!"



Napahugot na lamang ako ng malalim na hininga at nilagpasan siya. Hindi na nga naging maayos ang tulog ko dahil napanaginipan ko si Mama tapos dinagdagan pa ni Clarna kaya nakakawalang gana tuloy ang umaga na 'to.



Hinatak niya ang braso ko at marahas na pinaharap ako sa kanya. Naramdaman ko na naman ang malakas na pagdapo ng kanyang kamay sa kabilang pisngi ko.



"Sumusobra ka na..."



"Kulang pa 'yan sa pagiging desperada mo! Ang ganda mo na sana pero malandi nga lang!" nanggagalaiti niyang sigaw.



Napanganga ako. Ako ba ang pinagsasabihan nito? Hindi ako affected. Mukha kasing nakikipag-usap siya sa sarili niya.



Umiling lamang ako at mabilis na nilagpasan siya ulit. Mabuti dahil hindi niya na ako sinundan.



Nang lunch time na ay kinakabahan ako nang makita sa labas si Marcaun. Napatuwid siya ng tayo nang makita ako. Napansin ko ring kasama niya si Eerhia kaya napahinga ako ng maluwag.



"Long time no see, pretty sis!"



Ngumuso ako. "Hindi ka na kasi dumadalaw."



"Sorry na! May Marcaun ka naman kaya oks na oks na rin!"



Napasinghap ako at napatingin sa mga nakakarinig. Namataan ko rin si Clarna kasama ang mga kaibigan niya. Bumagsak ang tingin niya sa sahig at agad na tumakbo paalis.



Sabay kaming tatlong nag-lunch sa malapit na restaurant dito. Medyo nakakaumay na kasi sa cafeteria sa Mintdale kaya naisipan naming kumain outside the university.



"Alam mo Ashi, sana sumali ka naman sa screening sa Miyerkules. Bagay sa'yo ang maglaro ng table tennis. Saka para may ibang pagkakaabalahan ka rin."



"Hindi ako marunong," agad na tanggi ko.



"Ewan ko sa'yo! Dapat active ka sa mga ganyan para dagdag points!"



Pagbalik namin ay naghiwa-hiwalay na kami ng daan at nagsipunta na sa building namin. Pinilit pa akong ihatid sana ni Marcaun pero panay tanggi ang ginawa ko.



Nilapitan ako ng isa sa kaibigan ni Clarna at naupo sa upuan ni Precy. Absent kasi si Precy simula kanina pa. Nagtataka tuloy ako dahil hindi ko maalala na may absent ang babaeng 'yon. Ngayon pa lang talaga.



"Magkaano-ano ba kayo ni Eerhia? Pareho rin kayo ng apelyido..."



Nagbingi-bingian lamang ako at hindi ito pinansin. Tumabi pa talaga sa akin para magtanong lang.



Nagsimula akong mag-sketch habang hindi pa rin umaalis ang kaibigan ni Clarna. Hindi pa nag-aalauna dahil maaga ang naging dismissal ng last subject namin.



Every Paint Matters ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon