P R O L O G U E

3.8K 122 6
                                    


NEST pulled me closer and deepened more the kiss. He teasingly licked my lips before pulling away. He's overdoing our kissing scene. Well, we're both good in terms of having this part. And we always work professionally. That's why, hindi na talaga kami nakakailang take.




"Cut! Good job!" sigaw ng direktor.



Nakangising humiwalay sa akin si Nest. Napanguso ako at pinandilatan siya ng mga mata. We both enjoyed it but without malice.



"Magseselos na naman yung girlfriend mo sa akin," I mumbled.



His girlfriend is my schoolmate back then. Minsan ay umamin pa sa akin 'yon na nasasaktan siya kapag naghahalikan kami ni Nest sa pelikula. Idagdag pa na maraming nagdidiin sa amin na mas maganda kung real couple kami ni Nest. And I really understand her part kasi tago lang ang relasyon nila. Kaya hindi madali para sa kanya.



"Hindi 'yon. Mahal ako nun, e. Baka naman yung lalaking sunod nang sunod sa'yo. Kanina pa siya nakatingin sa atin, e. If looks could kill talaga, baka hindi na ako humihinga kanina pa," aniya sa naaaliw na tono.




"Huh? What do you mean?" nakakunot-noo kong tanong.



Ininguso niya ang kanyang labi at may tiningnan sa malayo kaya sinundan ko rin ang tingin niya. Malakas akong napasinghap nang magtama ang mga mata namin ng lalaking nakakrus ang dalawang braso. Agad akong nag-iwas ng tingin nang maramdaman ang pag-iinit ng mga mata ko.



"A-Alis na tayo, Nest. Tapos na rin naman ang taping ngayon," mahina kong anyaya sa kanya.



Napataas siya ng kilay at sinuri ako ng tingin.



"You're acting weird, Hasheine. Or maybe... because of that guy?" he smirked. "But sure, let's have our lunch together. I won't force you to narrate everything."



Nasanay na kami ni Nest na pagkatapos ng taping ay sa malapit na resto o 'di kaya'y sa fast food na kami mananghalian. Free lunch na kami dito kaya lang mas gusto namin ang kumain ng tahimik at kami lang dalawa tutal wala namin kami sa lock-in taping.




Kaya nga madalas ay palagi kaming natutukso na baka may namamagitan na talaga sa amin. Pero kung ang taping naman namin ay ginawa sa probinsya, malamang dapat makisabay kami sa kanila.



At saka ang hassle rin kapag kumakain sa labas dahil dinudumog kami palagi ng mga nakakakilala agad sa amin. Kaya siguro minsan na-ba-bash ako dahil palagi akong nagmamadali at akala nila ay snob akong celebrity.



"Siya 'yon," I spat when we started walking away from the venue.



"Yung iniyakan mo ng sobra?"



"Oo," napabuntong-hininga ako. "It's been five years, Nest. Pero bakit kailangang makita ko pa siya? Bakit ngayong araw pa? Nasasaktan pa rin ako..." nahihirapan kong wika.


Every Paint Matters ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon