25

1.1K 47 0
                                    


Prince

AFTER talking to Eerhia through Skype, I can't help but to sigh in sadness. Na-miss ko siya ng sobra. Pero alam ko namang masaya siya doon kasama si Gav na walang nagmamanman sa kanilang dalawa.



Napatawad ko na si Eerhia. Yes, she didn't deny about what Tita Erah said. She's just too preoccupied that time. At sino ba naman ako para magtanim ng galit sa kanya? She's been by my side ever since at nagkakamali naman talaga tayo kaya kahit nakakapagtampo ay hindi ko pa rin talaga siya matiis.



For seven months, Marcaun and I were been so close to each other. It's a bit awkward to me because sometimes he kissed me unexpectedly. Naipakilala ko na rin siya kay Papa dahil ilang beses na siyang naabutan nito na bumibisita sa mansyon. Besides, naipakilala na rin naman pala ni Marcaun ang sarili niya dati kay Papa.



At ngayon ay nandito ako sa condo niya. Nakasanayan ko na rin ang magpunta rito palagi. Kahit nga wala pa siya ay nauna na akong nandito. Well, I have his duplicate key.



"Hey, you're in my condo right now?" agad niyang sagot nang tawagan ko siya.



"Yup! Kasama mo pa ba friends mo?"



"My teammates. Don't worry, uuwi na ako."



Narinig ko ang pagpapaalam niya sa mga kasamahan niya na uuwi na siya. Rinig ko rin ang pamimilit ng mga kasama niya na huwag muna dahil maaga pa naman.



"Ba't uuwi ka na? Diyan ka muna. Hindi naman kita pinapauwi."



"No. I'll go home right away. I really missed you for three days of not seeing you..."



Napasinghap ako kasabay ng pagbigat ng hininga ko. Hindi agad ako nakapagsalita dahil pinoproseso ko pa rin ang narinig ko galing sa kanya. I'm doomed.



"Huwag mong ugaliin ang ma-miss ako palagi dahil baka ma-inlove ka lang," I joked.



"What if I am? Paano Ashi, kung matagal na? Will you avoid me and turn your back away from me?" tanong niya sa basag na boses.



Biglang kinurot ang puso ko sa sinabi niya. Iniisip ko pa lang na malayo sa kanya ay nasasaktan ako. And this is really bad. I'm afraid to accept this feeling. I don't want this.



"I'm just kidding. Kumain ka na ba?"



Bumagsak ang balikat ko sa narinig na pagbawi niya sa kanyang mga sinasabi. Para akong nasasaktan. Gusto kong bawiin niya ulit.



"Huwag ka nang umalis diyan dahil uuwi na rin naman ako."



"What?! Just don't, please. Hintayin mo muna ako. Gonna end this call to drive."



"Ingat," I said almost a whisper.



Hindi ako nakarinig ng sagot niya at agad akong binabaan. Uminom na lamang muna ako ng May. Medyo nakakairita lang dahil kapag umiinom ng alak si Marcaun ay hindi niya ako pinapayagang uminom din kapag pinilit ko siya. Kaya heto, bumili na rin siya ng May para sa akin. E, juice lang naman ang lasa.



Nag-angat ako ng ulo nang may umagaw sa baso. Agad nagsalubong ang tingin namin. He looked pissed while glaring at me.



"Hindi ka pa nag-hapunan tapos uminom ka na nito? Sasakit lang tiyan mo."



I frowned and tried to grab the bottle when he also took it away from me. At madali ko namang naagaw agad.



"Hindi pa naman ako gutom."



Every Paint Matters ✔Where stories live. Discover now