11

1.2K 74 0
                                    


Beautiful

SERYOSO ang mukha kong hinintay si Eerhia. I'm furious of her decision. She decided to enroll me in the university where she studied.



"Rhi naman, e. Napa-enroll mo na talaga ako?" agad ko siyang nilapitan.



Tinaasan lamang ako ng kilay ni Eerhia. She silently handed me the brown envelope.



Binuksan ko ito at tiningnan ang mga papel na nasa loob. Bumagsak ang balikat ko sa mga nabasa. I'm officially enrolled in the Mintdale University.



"Rhi, why are you doing this to me?!" hindi ko na napigilan.



Hindi ko pa kaya ang makisalamuha sa maraming tao. Hindi ko na alam kung ano ang maaaring gawin kapag kaharap na ang mga magiging kaklase ko na hindi ko pa kilala. At paano kung magtaka sila sa apelyido ko?



"Ask yourself," malamig niyang sagot.



"Rhi nama–"



"Sino ba kasi ang makakapante kapag palagi ka lang nagkukulong sa kwarto mo, Ashi? No'ng isang buwan sinubukan mong lunurin ang sarili mo! Tapos madalas na rin akong makakakita ng mga malalaking hiwa sa kamay mo!"



I pressed my lips and blinked twice. Tumaas-baba ang dibdib ni Eerhia. Ramdam na ramdam ko ang galit niya at the same time ang pag-aalala para sa akin.



"H-Hindi ko na uulitin. Huwag lang ang ganito. Hindi ko pa kaya–"



"Hindi mo kaya o takot ka lang? Takot ka, 'di ba? Takot kang malaman ng iba na anak ka ng kilalang pumatay sa ka-live in nito na ilang beses sinaksak sa leeg. You're afraid of being judged."



Agad na naglandas ang mainit na luha sa pisngi ko. Tama siya. Tama siyang takot akong mahusgahan. Takot na takot akong mapahiya. Sobrang nasasaktan ako sa mga salitang binabato nila kay Mama.



Paano pa kaya kung pati ako? Hindi lang talaga ako dahil mauukit na naman ang lahat. Masasali na naman si Mama na nanahimik na. Gusto kong manatili lamang tahimik ang lahat. Ang nakabaon sa nakaraan ay dapat mananatiling sekreto lamang.



"Paano mo mapapalaya ang sarili mo sa nakaraan kung ang palagi mong ginagawa ay ang umiwas? Darating at darating talaga sa punto na mauungkat ang lahat. And that's your time, Ashi. It's your turn to speak up about the truth."



Napailing ako.



"Hindi mo naiintindihan, Rhi. Walang maniniwala..."



"May maniniwala, hindi nga lang marami. As expected to the people right now, maraming judgemental. But it's good, right? Makikita mo ang mga taong totoo at hindi ka iiwan kahit sino ka pa, kahit anak ka pa ng mamamatay-tao."



I gave her a disappointed look and shook my head. Akala ko ba na siya ang unang tao ang iintindi sa akin? Pero bakit ipinagpipilitan niya ang ayaw ko?



Nagkulong na naman ako sa kwarto at hinintay na gumabi. Hindi na ako nag-abalang kumain pa dahil alam kong nasa baba pa rin si Eerhia.



Kasalukuyan akong umiinom ng kape sa loob ng cafe. Napasulyap ako kay Marcaun na nasa kabilang table habang nakatingin ng diretso sa direksiyon ko.



Hindi ko na siya pinapansin at kinakausap. Madalang na lamang siyang bumibisita sa mansyon. Pumupunta lamang siya do'n kapag kasama si Eerhia. Ang napapansin ko lang ay gabi-gabi na ang pagpupunta niya dito sa Cafélicioso.



Every Paint Matters ✔Where stories live. Discover now