01

2.5K 102 5
                                    


Cafe

TULUYAN na siguro akong naging manhid. Wala akong nararamdamang sakit kahit malalim na ang hiwang ginawa ko sa aking palapulsuhan. I deepened more the blade on my wrist.



I want to scream. Why I just can't feel anything? It feels like, I'm all empty and lost. I closed my eyes and leaned my head in the headboard. Wala nga akong nararamdamang sakit pero unti-unti akong nahihilo.



Agad akong napamulat ng mga mata nang makarinig ng sunod-sunod na katok. Hindi na ako nag-abalang buksan pa ang pinto dahil tuluyan na itong bumukas.



"Oh my gosh!  What have you done again?!" sigaw ni Eerhia at dahan-dahang napaluhod sa sahig habang sinusuri ang pulsuhan ko.




Hindi ko maiwasang mapatingin rin sa bedsheet na may mga mantsa ng dugo. Nakarinig ako ng hikbi mula sa kanya. Mabilis akong nag-iwas ng tingin at napakagat na lamang sa ibabang labi.



Eerhia is my stepsister. Anak siya sa ibang lalaki ng asawa ngayon ng biological father ko. Wala akong masabi kung hindi ang swerte ko na nakilala ko siya. She's really kind-hearted and an epitome of beauty. She's a morena and a part-time model habang sinasabay niya ang kanyang pag-aaral. Matanda lamang siya sa akin ng isang buwan.



Palagi niya akong dinadalaw dito para alamin ang kalagayan ko. And she always caught me harming myself. Sobrang nasasaktan ako sa tunog ng hagulhol niya kaya hindi ko na rin mapigilan ang pagdaloy ng masaganang luha sa pisngi ko.



"Ashi, tumigil ka na sa pananakit sa sarili mo..." she said in between her sobs. "Magpinta ka na lang buong magdamag tutal libangan mo na rin naman 'yon kaysa naman mahuhuli kita palagi na ganito. Don't do it again please..."



I nodded as I wiped my tears. "Sorry..."



"Papalitan na naman natin 'yang bedsheet mo. You're hardheaded talaga, Ashi. Alam mo, sayang ang flawless na kutis mong 'yan at sinusugatan mo lang! At pwede ka namang lumabas at baka ma-leukemia ka pa. Tingnan mo nga ang sarili mo, sobrang puti at maputla! May dugo ka pa ba?"



Natutuwa ako sa pangaral niya. Hindi ko alam pero mas gusto ko kung ganito siya dahil naaalala ko sa kanya si Mama tuwing nagkakasakit ako. Somehow, there's still one person who's being so caring and protective to me. I'm not totally alone.



Tinulungan niya akong gamutin ang sugat ko. Napapansin ko ang pagngiwi niya na parang siya ang nakaramdam ng sakit sa mga sugat ko. Ako naman, tahimik lang dahil wala naman talaga akong ibang maramdaman. Nasanay na siguro.



"Can I check your works? Hihingi ako ulit," she spat.



I nodded and weakly smiled.



"Nasa ilalim ng kama, Rhi..."



Narinig ko ang pagsinghap niya ng malakas.



Every Paint Matters ✔Where stories live. Discover now