26

1K 47 0
                                    


Suitor

DALAWANG buwan na akong nililigawan ni Marcaun. Hindi ko rin naman maitatanggi na unti-unti na akong nahuhulog sa kanya. I mean, hindi naman unti-unti dahil alam ko sa sarili ko na matagal na akong nagkagusto sa kanya.



"Wow! Grabe ang galing mo pala talagang magpinta, Hasheine!" Precy yelled in amusement.



She's fond of painting. Si Marcaun ang nagsabi tungkol sa pagpipinta ko. After she saw my works, palagi nang bumibisita sa mansyon si Precy upang tumitingin-tingin sa gawa ko at bumibili na rin.



"Gawan mo kaya kami ng portrait?"



"Nino?"



"With my family! They're actually looking for a great artist. Since magaling ka naman sobra, so I'll choose you! Isasama kita sa Sabado. Gonna tell them later about you."



"Uh, thanks..."



She nodded happily. Nag-uusap pa kami sa front yard habang nagtatawanan. Hinihintay ko si Marcaun dahil galing sila sa resort nila ng buong pamilya niya. And he texted me that he's on the way here. Hindi man lang muna nagpahinga.



"Kumusta naman na si Eerhia? Bakit naka-deactivate lahat ng social media accounts niya?"



Natahimik ako. Yes, and it's really weird because I don't have any updates about Eerhia for a couple of months. Kinakabahan nga ako at baka may masamang nangyari sa kanya doon. So, I tried to approach Tita Erah and asked her about Eerhia. Okay lang daw naman.



Nakakapagtampo lang dahil hindi niya ako palaging ina-update tungkol sa mga nangyayari sa buhay niya doon. Ngunit inisip ko na lamang na baka busy.



But it made me more frustrated when I also tried to contact Gav. Katulad niya ay naka-deactivate rin lahat ng social media nito. Nakakapanghinala at nakakalito dahil ni isang impormasyon sa kanila ay wala talaga akong alam.



"Bye! Alis na ako!" Precy said and kissed my cheek lightly.



Pagbukas ng gate ay sumalubong sa amin ang kotse ni Marcaun. Nakasandal siya sa sasakyan habang nakayuko at nasa cellphone niya ang kanyang buong atensyon.



Agad niya akong nilapitan at dinamba ng mahigpit na yakap. I hugged him back and smelled his clothes. Ang bango talaga, e!



"I heard that coach Alvino picked you as the representative for the upcoming intrams. Pumayag ka ba?"



Umiling ako. Wala akong balak sa mga gano'n. Hindi ko kaya ang mga atensyon na matatanggap ko. I'm not rooting to be a popular one. I'm the kind of person who prioritized private life. Just loving my lowkey life.



"I don't know if I'll be happy because somehow, it can help to build your confidence," he said, sighing.



Tumango ako. Tama naman siya. Pero wala talaga akong gana sa mga ganyan. Parang nakakagigil kapag naiisip ko ang sarili kong naglalakad sa gitna habang ang daming matang nakatingin.



"Pero tama lang na hindi ako pumayag. Paniguradong mas marami ang kaagaw mo sa akin."



He chuckled and ruffled my hair.



"Matagal na, Ashi. Didn't you notice the way the men looked at you, full of admiration?"



Umismid lamang ako. Napakamot ako sa batok at ngumuso.



Every Paint Matters ✔Where stories live. Discover now